Newsletter Issue Vol. XL No. 2
Nina Crissle Fernando at Ruby Jean Ricafranca
Biglang sipa ang CCJE Lex Libras ng winakasan nito ang pamamayagpag ng CIT Stingers sa taekwondo matapos humakot ng apat na ginto, isang pilak at dalawang tanso na ginanap sa Valencia Hall, Agosto 30.
Taob ang depensa ng mga nagngangalit na Stallions at Rajas sa tindi ng mga leg combinations na pinakawalan ng mga Lex Libras, dahilan upang malumpo ang dalawa at magkasya na lamang sa pilak at tanso.
Dinaanan lang na parang lantang gulay nina CCJE demolition team Art Robert Tamayo, Francis Neel Yambao, Joderick Benedictos at Mahid Sultan ang mga kalabang sina Stallion Michael Arceo, Stinger Jonathan dela Peña, Star fighter Raymart Borromeo at Stallion Arnel Oguan sa heavyweight, welterweight, lightweight at bantam weight division, ayon sa pagkakasunud-sunod.
“Sobrang saya, may tiwala naman kasi ako sa team namin kaya alam kong makakaya nilang manalo,” ani Lex Libras’ master Majid Ruben Haradji.
Hindi naman nagpadaig ang mga Stallions nang dominahin nila ang finweight, flyweight at feather weight divisions nang kumana ng ginto sina COPERS pride Michel Plazuela, Joshua Gabriel Ramos at Jesrille Canonigo kontra kina Tiger Harold de Jesos, Sarmiento bet Glenn Bohol at CCJE brawler Jefferson Dela Peña, silver finish.
Sa middleweight category, nanggulat si Juan Paolo Cayabyab mula sa kaharian ng CSSP matapos niyang sindakin ng malalakas na solidong lower body connections si taekwondo mainstay Stinger Paul Ryan Rañolo at Libras Renz Gamos na kapwa napilay sa ikalawa at ikatlong pwesto.
Ipinakilala naman ng mga babae ng COPERS kung sino ang tunay na reyna ng mga tirada ng magbulsa ito ng tatlong ginto at isang tanso, kasunod ang Sarmiento Stars sa ikalawang pwesto. Rambol naman para sa tanso ang Rajahs, Libras at Magnates.
Ginising nina Lady Stallion Chrisel Joy Ancolas, Sherldawn Clavio at Veronica Rendon ang kabuuan ng Valencia Hall sa sigaw ng tagumpay at tuluyang selyuhan ang flyweight, bantamweight at lightweight category kontra Jea Solmoro ng CBA Magnate, Lorie Anne Avendaño ng Sarmiento Stars at Richel Joy Dimarucut ng CSSP Rajah.
“Three months of hard training ang pinagdaanan namin bago ang intrams para makamit ang tagumpay. Masaya dahil nagawa naming depensahan ang titulo sa women’s division,” pahayag ni Coach Maria Crizelda Viray ng Lady Stallions.
Nagningning naman sina Jomarie Angelica Rafael at Aimie Bayno ng Sarmiento nang angkinin nila ang ginto sa finweight at featherweight category laban kina Rajah Sarah Mae Villacorta at Libra Maria Luisa Viri.
Pinatumba ni Cherry Tobias ng CBA Magnates si Erika Dela Pena ng CIT Stallion sa welterweight category gamit ang mga pamosong istilo sa pagsipa, habang bigo namang depensahan ni CIT lady fighter Shiela Anne Dela Cruz ang titulo kontra Libras Carmela Reyna ng sindakin siya nito sa middleweight category.
Nanatili namang kampeon sa heavyweight category si CSSP jin Armida Ramirez nang manaig siya kontra kay Channen Mae Recacho ng CCJE Libras.