Slam Book Millionaire: Eng Peg-emen ng Edmen
Pacesetter Vol XLI No. 1 Broadsheet Issue
Kornichiwa! Uh huh. Uh huh.
Oh, gulat kayo ‘no? Akala n’yo si Shaggy, nagkakamali kayo. Ako si Eruelito Cornitto, 18 1/4, korni, pinakapogi sa Federizo, mas macho kay Ravelismo, walang panama si Redentoro Kalaboso, humble na taong bao, full-time Cornydian with full-time and multipurpose bangs. Awoo! Awoo!
Move on na tayo sa CHE at payong love story, ‘wag na ma-bitter kila manong guards. Para mapa-amazing ka naman, samahan n’yo na lang ako sa aking pagliliwaliw sa fully air-conditioned Flores Hall as university pips go corny only for Eruelito. Enebenemenyen.
Pacesetter Vol XLI No. 1 Broadsheet Issue
Kornichiwa! Uh huh. Uh huh.
Oh, gulat kayo ‘no? Akala n’yo si Shaggy, nagkakamali kayo. Ako si Eruelito Cornitto, 18 1/4, korni, pinakapogi sa Federizo, mas macho kay Ravelismo, walang panama si Redentoro Kalaboso, humble na taong bao, full-time Cornydian with full-time and multipurpose bangs. Awoo! Awoo!
Move on na tayo sa CHE at payong love story, ‘wag na ma-bitter kila manong guards. Para mapa-amazing ka naman, samahan n’yo na lang ako sa aking pagliliwaliw sa fully air-conditioned Flores Hall as university pips go corny only for Eruelito. Enebenemenyen.
Unang tirada: One-on-one tatak eksklusibong interview sa isa sa pinakamagandang haligi ng BulSU (‘yan may utang ka na sa ’kin Ma’am). VP Cecilia Geronimo goes wild (charing) as she reveals the sexiest part of her body. Ow my. Ow why?
VP Geronimo: I asked my husband about it. It’s my misty eyes. ‘Yon daw ang talagang naka-attract kaya n’ya ko niligawan. Eruelito: Ma’am, naa-attract po ako sa eyes n’yo. VP Geronimo: Oh really? Eruelito: Maam, pwede po ba kayong ligawan? VP Geronimo: Hahaha! Baka tayo’y ma-child immorality. Kornimometer: Seyeng nemen. L Ang kumagat sa ipinagbabawal na santol, este mansanas pala, si VP Eva, Ma’am Evangelina Custodio na ‘to! Siya yata ang founder ng hyper dynamics dahil sa sobrang hyper. Ang pinaka-energetic-,enthusiastic-epileptic sa lahat. Korni kung korni. Go lang ng go. Ma’am, sino po bang artista ang labis na nagpapakilig sa inyo? VP Eva: Si John Lloyd. Kahawig mo e. Eruelito: Se Me’em nemen e! (pa-beautiful eyes) VP Eva: Wuuuy, joke lang. Wahaha! Eruelito: Eh Ma’am, alam n’yo po ba ang pangalan ng crush? Tooth po. VP Eva: Tooth Crush? Hindi. ‘Yon yong pinakagusto ko sa pizza, ‘yong pinaka-crush (crust po, pizza crust). Hahaha! Kornimometer: EVAng level!!! Ang Sir Chief ng BulSU (napag-utusan lang po). Tanungin mo si Sir Nicanor Cubes Dela Rama kung ano ba ang dapat gawin ng isang tao kapag mauutot. But weight, there’s height! Dahil sa height, ‘di raw s’ya makaporma sa mga crushes niya na mala-Maya ang datingan. Aba! kung height is might lang din naman pala, wala nang sabi-sabi, I am mighty. Teka, ano ba ang wala si Sir Chief na mayro’n si Sir Dela Rama mia? VP Dela Rama: May posisyon. Di naman s’ya Dean ng Student Affairs eh. Hahaha! Eruelito: Ano po ‘yong lamang n’yo kay Sir Chief? VP Dela Rama: May edad ako sa kanya but then I look younger than him. Eruelito: Woah. Kornimometer: That’s my boy! Hindi niya kayo tatantanan! Si VP Antonio Del Rosario at ang kanyang pinakamatapang na pagharap sa kanyang misis. Ang pinakamapangahas na pagsagot ni VP Del Rosario sa pinakamapangahas na tanong, heto na, heto na! Raak! Eruelito: Pinaka-seksi pong part ng katawan n’yo Sir? VP Del Rosario: Pakiramdam ko ‘yong aking puwet. Kahit matagal na akong nag-uuupo, ‘di nawawala ang shape ng aking p’wet. Eruelito: Sir ano po ba ‘yong shape? Bilog po ba? VP Del Rosario: Oo. Eruelito: Parang pinggan Sir? VP Del Rosario: Hindi, flat ‘yon e. Parang balloon. :3 Eruelito: Wahaha! Kornimometer: Tusukin! Butasin! Putukin ang balloon! |
Hilariowphfows3zZxh. Kayo po ang favorite ko pfoewsfxzw. Besprend na po tayo, please po? Hindi ko po sasabihin kung sino po ang kras n’yo po no’ng araw na si Alona Alegre at hindi ko rin po kamukha ang na-link sa kanya noon na si Atoy Co pungsingsing (asim taragis). On the other’s hand, sinong artista kaya ang ligaw ni VP Hilarious?
VP Hilario: I like Angel Locsin. Mysterious ang kanyang beauty. Probably nagseselos lang ako kay Younghusband. Eruelito: Hindi naman po dapat Younghusband ang dapat taglaying apelyido ni Angel Locsin eh. VP Hilario: Ano ba dapat? Eruelito: Tinik po dapat. Angel Locsin-Tinik (pinoy na pinoy!). Kaya ‘wag na po kayong magselos kay Phil Younghusband ha. :3 VP Hilaro: Wahaha! Kornimometer: My Younghusband’s Lover Pres. Sa oras na mabasa n’yo ‘to ay labis pong nagdadalamhati ang aking puso sa pagtawag n’yo sa aking pangit. Ang sakit po, perstaym ko pong narinig ang salitang ‘yon at sa inyo pa. You don’t do that to me po. (asim). Wahaha! Hindi rin po ako Instik o Koreano. FilKor po Sir, half Filipino half korni (achichi). Sir, define love. Pres. de Jesus: It is selfless. Hindi kailangang mahal mo, ang importante mahal kita. (Now, within nine minutes, send it to nine people para makilala mo na ang true love mo) Eruelito: May phobia po ba kayo? Pres: Takot ako sa matataas. Nalulula ako. Eruelito: So takot po kayo ma-fall? Pres: Feeling ko. Eruelito: Ako naman Sir, takot po ako sa mga reptiles. Takot din po ako sa mammals. Pero may phobia po talaga ako sa mga amphobians. Wahaha! Kornimometer: Amphobia Gosiengfiao O ‘yan. Now you know na ‘di lang puro paperworks, fireworks, hardworks at pagkayod ang ginagawa ng ating university VP’s and President. Nagiging korni rin sila. (Akalain mo nga naman oh!) Hindi ko rin alam na sa oras na mabasa nila ito ay nandito pa rin ako sa university. Nakita na kita. Baka sa susunod kong pagliliwaliw, ikaw naman ang makausap ko. Ow weyt. Ligo lang ako, may date pa nga pala kami ni munchy Klarisa Banana ngayon. Baka ma-late na naman ako. Landiii! (tatlong “i” para intense). PS: Eymsepege pereber. :3 |