Newsletter Issue Vol. XL No. 2
Ni Joseph Sonajo
Hinawi ng CoEd Flames ang lahat ng katunggali matapos nitong tupukin ang lahat ng ginto sa Dance Sports Competition na ginanap sa Activity Center, Agosto 27.
Todo hataw na binakuran nina flamer John Christopher dela Cruz at Mary Joy Macapagal ang kanilang 2011 Latin Category Title matapos umindak ng ikalawang sunod na kampeonato. Sumipa naman sa ikalawang puwesto ang COPERS Stallion na sina Julienne Keith Ocampo at Cristy Joy Bongga habang sumabit naman sa ikatlong puwesto sina CHE Golden Tigers Niño Rodriguez at Sherly Cabundoc.
“Tiwala sa sarili at sa partner [ang edge namin] tapos sobrang masaya kasi nag-champion ulit kami dito [Latin Category],” ani Macapagal.
Nagpatuloy pa rin ang ritmo ng mga residente ng Roxas Hall matapos selyuhan ang Hip-hop category at ilaglag sa ikalawa’t ikatlong pwesto ang mga bituin mula Sarmiento Campus Stars at hantik ng CoE Red Ants.
Dalawang pares lamang ang nagtunggali sa kategoryang Modern Standard kung saan pinag-init nina flames’ duo Mark Anthony dela Cruz at Elirah Ching ang dance floor matapos ipagdamot ang ginto kina Exequiel de Guzman at Angelica Garcia ng Bustos Tigers.
“They are [contestants] very creative. May unity and you can see how they work as a group. Although this is a university contest, makikita mo ang high level of competition,” papuri ni Albert Dimarucut, isa sa mga hurado ng kompetisyon.