Pacesetter Vol XLI No. 1 Broadsheet Issue
Nina Mhervin Viray, Carolyn Russel Vitente at Florence Vila
Bilang tugon sa kakulangan ng mga silid-aralan sa lalawigan, pinasinayaan ng Panlalawigang Pamahalaan ng Bulacan at ng Department of Education (DepEd) ang proyektong Bulacan Zero Backlog, Mayo 2013.
Sa target na 1,942 na silid-aralan, 350 pa lamang ang naipatayo sa iba’t ibang paaralang elementarya at sekondarya sa lalawigan.
Sa bisa ng nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) ng kalihim ng DepEd na si Bro. Armin Luistro at ng Panlalawigang Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado noong Enero 2012 na sinaksihan ng 4,000 guro sa Bulacan Capitol Gymnasium, naisakatuparan at patuloy pa ring nagpapatayo ng mga classroom sa mga mababa at mataas na paaralan kung saan may malaking kakulangan nito.
Nilalaman ng kasunduan ang 50-50 Classroom Fund Sharing Scheme na tig-800 milyon na hatian ng kagawaran at ng panlalawigang pamahalaan na bubuo sa pondong 1.6 bilyon upang punan ang bilang ng kakukalangan sa silid-aralan.
“Kung mag-a-allot lang ng kapira-piraso, kung aasa lang sa mga regular local building allocation, hindi matatapos ‘yong mga backlogs na ‘yan kaya naisip na makipag-partner ng local management at provincial local government ng Bulacan at ng DepEd para magkatulungan na para mawala na ‘yong backlog in terms of classrooms here in Bulacan,” paliwanag ni Marcos dela Cruz , DepEd Head ng Bulacan.
Base sa pag-aaral ng DepEd, mahigit 68, 800 ang kulang na mga silid-aralan sa bansa sa taong 2010, na bumaba sa 32, 127 sa pag-uumpisa ng kasalukuyang taon.
Samantala, mayroong 496 paaralang elementarya at 83 namang sekondarya sa Bulacan, at tinatayang 80 mag-aaral ang gumagamit sa bawat silid-aralan. Sa pamamagitan ng programa ay nilalayong ibaba na lamang ang kakulangan sa lalawigan sa 45 na estudyante kada isang silid-aralan.
Mula sa araw ng paglagda ng kasunduan, 18 buwan ang tinayang kakailanganin upang matapos ang proyekto. Kabilang sa mga eskwelahan na naipagpatayo na ng silid-aralan ang ang sa Calumpit National High school, San Juan Elemantary School sa Balagtas, Felizardo C. Lipana Memorial High School at Tabang Elementary School na kapwa sa bayan ng Guiguinto.
Ang paaralan ng Dr. Felipe De Jesus National High School sa bayan ng Plaridel na napagkalooban ng three-storey classroom building na mayroong siyam na silid na magagamit ng higit kumulang sa 500 mag-aaral.
“So far makakatulong 'yong ginagawa na 'to na three-storey classrooms building kasi pwede pang mag-add ng additional sections. Kaya nga lang since na ini-split 'yong mga students into the ideal size which is 45, nagkukulang kami sa buildings sa dami nila [students]. Although may dumarating na, kulang pa rin,” ani Khristian Liwanag, Head Teacher sa nabanggit na eskwelahan.
Samantala, ayon naman sa punong guro na si Eufrocina Dionisio ng Barasoain Memorial Elementary School (BMES) na nakatanggap ng dalawang silid-aralan para sa mga preparatory students, sa kabila ng higit pang pangangailangan dito, hindi niya maikakaila na malaking bagay nang maituturing ang mga bagong silid na ipinagkaloob sa kanila.
“Tayo naman kasi, hindi naman decreasing ang population natin e, increasing tayo. Though hindi pa rin fully makakasapat, nagagawan pa rin naman ng paraan hanggang sa may dumating uling bagong tulong sa DepEd at pamahalaan,”ani Dionisio.
Biglang pagsang-ayon, para kay Kathleen Usi, magulang ng isang preparatory student ng BMES, ramdam niya ang pagbabago sa solusyon sa problema ng eduksayon ng bansa.
“Maganda talaga 'yong projects ngayon ng DepEd at ng gobyerno, mas mabuti na ngayon kaysa naman noong panahon ni Gloria, hindi talaga malulutas ang lahat ng minsanan pero maayos na rin 'yong kahit paano nagkakaro’n ng solusyon [‘yong problema ],” ani ni Usi.
Inihayag din ni Liwanag ang ilan pang aspeto na dapat mabigyang pansin bukod sa kakulangan ng silid, na makatutugon naman sa mga pangangailangan ng curriculum na K to 12 program.
“Mga equipments para sa mga ibat-ibang department, halimbawa sa MAPEH kailangan ng mga sports equipment, sa TLE kailangan naman ng mga laboratories in preparation para doon sa curriculum [K to 12], sa Science naman equipments with regards to science and technology, sa ibang areas gano’n din,” ani ni Liwanag.
Bagama’t ang mga kakulangan sa resources na ito ay maaaring makamit sa kanilang mga requests sa mga non-government organizations ayon na rin kay Liwanag, umaasa sila na maibibigay rin ito ng kagawaran sa paghahanda ng mga mag-aaral para sa bagong kurikulum.
Bago simulan ang Bulacan Zero Backlog ay nauna na ring pinasinayaan ang pagtatayo ng mga silid-aralan sa ilang paaralan upang ihanda ang mga guro at mga estudyanteng mag-aaral sa bagong K+12 basic curriculum education ng bansa.