Newsletter Issue Vol. XL No. 2
Ni Redentor Domingo at Lea Marie Magtira
Nakamit na ang matagal na pag-a-asam ng College of Physical Education and Recreational Sports (COPERS) Stallions na muling upuan ang trono bilang hari ng Bulacan State University (BulSU) Intramurals matapos nitong talunin ang makamandag na last year’s champ na College Industrial Technology (CIT) Stingers at magmina ng 79 na ginto, 33 pilak at 18 tansong medalya, Agosto 27-31.
Sa talang 40-32-37 ay tuluyang nabulabog ang pukyutan ng mga bubuyog na malauna’y nauwi sa pagkawasak. Kinalawang ring bigla ang karayom ng mga bubuyog sa tibay ng mga kabayo nang mabigo nitong lumpuhin ang nauna.
”We are very happy, at ang gratitude namin ay para sa mga atleta dahil sila ang gumawa ng lahat ng ‘yan. Sila ‘yong talagang nanalo kaya we are very proud of them,” ani COPERS dean Raquel Mendoza.
Matapos ang puspusang pagsasanay, tulung-tulong na bumuo ng bagong opensa ang COPERS para ihatid sa kanilang bakuran ang kampeonato at biguin ang pagnanais ng CIT na muling iuwi ang tropeyo.
“Matagal rin akong nag-training para manalo. Ibayong disiplina at pagtitiyaga ‘yong binuhos ko para mapagtagumpayan ‘yong mga laban ko this intrams,” wika ni Jeff Palafox, triple gold medalist sa athletics at isa sa mga pambato ng COPERS.
Samantala, nananatili pa ring maningas ang apoy College of Education (CoEd) Flames sa ikatlong pedestal matapos mag-uwi sa Roxas Hall ng 32-23-28 ginto-pilak-tanso kombinasyon, habang nangibabaw naman ang kinang ng Sarmiento Stars matapos nitong mapagtagumpayang umangat mula 6th patunong 4th place at ipasalubong ang kanilang 20 ginto, 31 pilak at 15 tanso. Bumaba naman ng isang ranggo ang mga langgam ng College of Engineering matapos na kapusin sa 20-17-21 kartada.
Nabigo namang makapagbulsa ang College of Arts ang Letters (CAL) ng kahit anong medalya, dahilan upang malaglag sila sa ika-16 at huling puwesto.
“Nakakahiya. In-expect ko na mananalo ang CAL sa Mr and Ms. Intrams saka sa Cheerdance competition, hindi pala. Ang sakit sa tenga na ang CAL bokya sa Intrams, ang dating tuloy sa akin, wala tayong panama sa ibang college pagdating sa ganyan o sa sports,” pahayag ni Rizziele Tomas ng BA Journalism 3A.