Newsletter Issue Vol. XL No. 2
Nina Khristine Arellano, Kim Yukong at Rannie Salvador
Sadyang wala pa ring panama ang agos ng tubig ng Bulacan Sports Complex sa mga maninisid ng CoEd Flames makaraang sumisid ng 10 ginto, anim na pilak at dalawang tanso sa Swimming Women, Agosto 28-29.
Pumailalim sa Flames ang COPERS Stallions na nakadaib ng pitong ginto at 11 pilak, kasunod ang CS Hornets na sumalok ng siyam na tanso.
Napatunayang epektibo naman ang pamain ni flamer Reezt Anne Sumilang na bumingwit ng ginto sa 100m freestyle, 100m at 50m breaststroke na sinundan nina Karen Vergara ng COPERS at Ina Joy Marasigan ng CHE Golden Tigers sa unang kategorya.
Samantala, double silver finish naman ang tinangay ni Maricar Obejas ng Stallions sa 100m at 50m breaststroke events na pinangatluhan naman ng CICT Firefox at CBA Magnates, ayon sa pagkakasunod.
Hindi pa rin nagpapigil ang husay ng Lady Flames nang hamigin ni Angelica Samelo ang unang pwesto sa 200m individual medley, 50m at 100m butterfly events habang napasma naman sa ikalawang pwesto ang Stallion na si Abigail Sepcon sa huling kategoryang nabanggit.
Bagama’t dikit na dikit ang laban, naungusan ng COPERS ang CoEd at CS sa 4x50m freestyle relay at 50m backstroke dahilan sa kanilang pagkamada ng limang ginto.
Gayunpaman, binawian agad ng Lady Flames ang Stallions sa 4x50m medley relay habang napako naman ang Hornets sa ikatlong pwesto.
“Masaya kasi nakapagbigay na naman ng pride (sa CoEd) despite sa half day training dahil sa habagat at holidays. Cooperation at momentum na rin siguro ng mga bata ang nagpanalo,” ani CoEd Coach Emelyn Pagsanjan.