Newsletter Issue Vol. XL No. 2
Ni Kimberly Jane Sioco at Julianne Siscar
Salitan.
Sa unang taon ng Mr. Intrams, nanatili pa ring buhay ang CAL-CHE rivalry nang bumalangkas ng isang panalo ang huli sa tulong nina Raymond Salazar at Michelle Yumul na umangkin sa dalawang prestihiyosong titulo na ginanap sa Valencia Hall, Agosto 27.
Gamit ang magandang boses at hataw na pagsayaw, buena manong umasinta ng ginto sina Yumul at Jovet Bandola ng College of Industrial Technology (CIT) noong nakaraang Agosto 14 matapos unahan ang lahat ng katunggali sa talent portion.
Pagdating ng coronation night, muling humakot si Yumul matapos na sabay tanghalin bilang Best in Sportswear at Long Gown. Pumareha naman sa kanya sa sportswear ng kalalakihan si Bandola, at si Salazar naman sa Best in Barong. Sumingit naman sa swimwear sina Louie James Liquido ng College of Engineering (CoE) at Rachelle Ocampo ng College of Education (CoEd).
Inangkin din ng CHE tandem ang Mr. and Ms. Ysa Skin Care, habang pinagsaluhan naman nina Elston Jimenez ng Bustos Campus at Cindy Seda ng College of Information, Communication and Technology (CICT) ang Mr. and Ms. Photogenic. Minarkahan naman na ang Mr. and Ms. Congeniality matapos na kuhanin ito nina College of Arts and Letters pride Rusty Dizon at College of Physical Education, Recreation and Sports Laranel dela Cruz.
Pagkatapos ng parangal para sa mga nasabing kasuotan, pasok sa top five para sa kalalakihan sina Salazar ng CHE, Jhomer Dimaapi ng College of Business Administration, (CBA), Benson Marcos Gonzales ng College of Education, Dizon ng CAL at si Liquido ng CoE. Pinuno naman ang top 5 ng Ms. Intrams nina Yumul ng CHE, Stephanie Villamor ng CBA , Jenielyn Mallari ng CAL at Cindy Seda ng CICT.
Naangkin nga ng CHE ang titulong Mr. Intrams na sinundan naman ng CoE, CAL, CoEd, at CBA. Gayundin sa Ms. Intams na nasungkit ng CHE, sinundan ng CBA, CSSP, CAL, at CoEd ayon sa pagkakasunud-sunod.
“It’s definitely grace. ‘Yon talaga ang nagdala,” ani hurado Sonny Cristobal.
Hindi naman makapaniwala sina Salazar at Yumul sa kanilang pagkapanalo at sinabing masaya sila sa naging resulta.
“Napakabait ng ating Panginoon, pinagpala kami para manalo sa patimpalak na ‘to. Kahit lahat kami ay deserving, hindi ko ‘to ine-expect dahil lahat kami, puwedeng manalo,” ani Salazar.