Newsletter Issue Vol. XL No. 2
Nina John Carlo Tamayo, Amiela Nicodemus at John Mark Nanip
Walang balak na makipagbigayan ang CoE Red Ants sa ibang mga katunggali ng solohin nito ang women’s division ng Lawn Tennis samanatalang pinaghatian naman ng Libras at Stallions ang panalo sa men’s division ng Lawn Tennis event na ginanap sa Bulacan Sports Complex, Agosto 29.
Pinatunayan ng mga reyna ng langgam na si Justine de Vera na wala sa bokabularyo ng CoE ang salitang tsamba matapos ilampaso si CS Hornet Hazel Dasco, 8-1. Hindi naman pina-asa nina Red Ant tandem Michelle dela Cruz at Faith Anne Santos ang pambato ng CIT Stingers na sina Patricia Bañaga at Charity Alliah Jimenez, 8-1 sa double’s.
“Hindi namin expected ang panalo, basta nag-enjoy lang kami. Competitive ‘yong mga kalaban pero makikita naman sa kanila ang pagiging sports. Sumali lang talaga kami rito for fun,” ani Dela Cruz.
Sa kaibayong dibisyon naman, pinasiklaban ni Libras smasher Carlo Phil Puso ang tila nanlalambot na tuhod ni Firefox Carlo Guese sa unang bahagi ng men’s singles, 8-6.
Nang pumasok ang 10th, 11th, 12th at 13th set umalagwa si Guese at nagposte ng dikit na laban. Ngunit sa kabila ng dikdikang sagupaan, namayagpag pa rin ang mga baguhang Libras.
“Hindi ko ine-expect na mananalo ako kasi varsity player sila kahit na hindi nakalaro sa SCUAA. Marunong naman silang tumanggap ng pagkatalo, kaya lang ako sumali rito dahil gusto ko lang magkaroon ng maraming kaibigan,” ani Puso.
Sa men’s doubles, sinipa ng tandem nina Stallion netters Angelo Rafael Perez at Paul William De Jesus ang Red Ants silver medalists na sina Ryan Christopher Clarin at Emil Christian Rivera para makamit ang kampeonato, 8-1. Samantala nasungkit naman ng CICT ang medalyang tanso.