Newsletter Issue Vol. XL No. 2
Nina Jane Tricia Cruz at Jessa Azañes
Muling nakapalo ng kampeonato ang COPERS Lady Stallions at CIT Stingers sa huling laban ng women’s at men’s division nang hatawin nila ang parehong ginto sa larong softball na ginanap Bulacan Sports Complex, Agosto 30.
Bigong makapuntos ang mga eba ng CIT matapos bakuran ng mga stallions ang unang pwesto sa huling single round robin match, 14-0 knockout. Nagpakitang gilas si Stallion short stopper Gemmalyn Santiago matapos pangangahin ang pitcher ng kalaban at dumiskarte ng dalawang homerun sa dalawang inning.
“Iyang mga ‘yan [manlalaro], they’ve experienced defeats, kaya seryoso talaga sila ‘pag may laban. Naniniwala kasi kami na walang maliit na hindi nakakapuwing,” ani Stallion Coach Anthony Antonio.
Samantala, sinungkit naman ng Sarmiento Stars ang pilak at nanggulat naman sa ikatlo ang mga baguhan mula College of Business Administration Magnates.
Hindi pa rin pinatawad ng pagkakataon ang mga taga-Sarmiento matapos na muli itong madapa at sumalampak sa ikalawa, isang puwestong mababa sa mga beteranong Stingers.
“Masaya na ‘yong nanalo kami dahil na-retain namin ‘yong pagiging champion dati. Nagtutulungan talaga kami at ginagawa namin ‘yong best,” wika ni Stinger Jordan Sancon.
Itinuturing ng coach ng Stingers na si Charlie Cano na pundasyon ng kanilang pagkapanalo ang suportang natatanggap mula sa kanilang kolehiyo at ang determinasyon ng kanilang manlalaro.
“Naka-tutok talaga silang lahat. Ayaw kasi naming ipakita na parang nilalaro lang namin ang laro,” ani Coach Cano.