Newsletter Issue Vol. XL No. 2
Nina Priminelle de Leon, Kenneth Pabilonia, at Rebecca Faye Carlos
Handa na ang mga bagong ookupa sa trono ng BulSU spikers.
Pinatunayan ng CoE Red Ants na walang epekto sa kanila ang kamandag ng CIT Stingers matapos nilang maipanalo ang dikdikang laban sa men’s division habang nagpasikat naman ang Sarmiento Stars laban sa mga babae ng CICT Firefox sa women’s division ng Volleyball event na ginanap sa Activity Center, Agosto 31.
Nagpamalas ng kakaibang bangis ang Stingers sa first set at maagang idinikta ang tempo ng laro, 25-16. Bigla namang nabaligtad ang kanilang kapalaran nang magising ang bagsik ng hantik sa ikalawang set, 16-25 pabor sa Red Ants.
Lalo pang umigting ang offense-defense attack ng mga matitinik na langgam makaraang magpaulan ang mga ito ng mala-kidlat na spike at block, 25-20 pabor muli sa CoE.
Makapigil-hininga naman ang huling set nang kapwa palabang koponan nang makailang-ulit silang mag-tie sa dikitang laban para sa ginto. Ngunit, nangibabaw ang talas ng isip ng mga pursigidong manlalaro ng CoE sa pagbuo ng taktika upang makahanap ng butas sa ayaw magpatinag na depensa ng kalaban, 17-15.
“S’yempre natutuwa ako kasi last year ko na ‘to, e. Nag-champion pa kami. Sa sports naman, lagi naming sinasabi kapit lang. Kapag lamang na ‘yong kalaban, kapit lang,” pahayag ni Al Kenneth Tizon, Captain Ball ng Red Ants.
Nanatili naman sa ikatlong pwesto ang Firefox samantalang selos na selos sa ika-apat ang CHE Golden Tigers.
Sa kabilang banda, kuminang ang ngiti sa mga labi ng mga lady spikers ng Sarmiento Stars matapos nilang masungkit ang inaasam-asam na gintong medalya sa kauna-unahang pagkakataon.
Mabilis na humagibis ang Stars at ‘di pinaporma sa unang set ang Firefox, 25-19. Kahit naunang makalamang ang mga Sarmiento spikers, ginawang lubhang kapana-panabik ng Firefox ang ikalawang set nang ipamukha nila na hindi sila basta-basta magpapadaig sa tila hindi matapos-tapos na habulan sa pagpuntos ng dalawang lamang. Pagkaraang tumabla ng 18 beses ay saka pa lamang nakuha ng Stars ang panalo, 33-31.
Ang pagkabigo ng tila mga nanghihinang manlalaro ng CICT na tirahin pabalik ang isang set mula kay Star Player Alena Capa ang tumapos sa laban at nagpatunay na hindi nila kayang paluhurin ang mga tala, 25-18.
“Mas marami kaming spikers sa kanila [Firefox] tapos siguro sa training na rin. Mas matibay ang training namin,” ani Sarmiento Sports Coordinator Yvonne Delos Santos.
Tuluyan namang namatay ang dati’y naglalagablab na apoy ng 5-year defending champion sa women’s division COED Flames matapos nitong bumulusok pababa sa ikaapat na pwesto nang talunin sila ng CoE Red Ants, 2-0.