Newsletter Issue Vol. XL No. 2
Ni Raja Paolo Sabido at Florence Vila
Winakasan ng COPERS Stallions ang pag-a-asam ng last year’s champ CIT Stingers na kumobra ng back-to-back title matapos kawawain ng nauna sa Swimming Men na ginanap sa Bulacan Sports Complex, Agosto 29.
Hindi na nagpatanghali ang mga P.E. Majors nang mag-ahon ito ng anim na ginto at tig-apat na pilak at tanso laban sa 5-5-5 gold-silver-bronze finish ng natupok na apoy ng College of Education (CoEd). Dismayadong kampanya naman ang sumalubong sa mga dating barako ng languyan na Stingers na pinulikat sa ikatlong puwesto, 4-2-5 medal finish.
Kambal na tig-tatlong ginto ang biningwit ng magkapatid na Enrique Portes sa 100m freestyle, 100m breaststroke at 100 m butterfly at Enric Portes sa 50m freestyle, 50m breaststroke, 50m butterfly na nag-ambag sa pagselyo ng kampeonato ng Stallions.
Sinisid din ni Darwin Montano ng CBA Magnates ang ginto ng 50m backstroke na sinundan naman ni Stinger Vladdymer Aquino at Flames John Paul Camua sa pangalawa at pangatlong puwesto.
Lalong lumalim ang Montano-Aquino rivalry nang lumusot sa ikaunang puwesto ang star Magnate na siyang naging dahilan ng paglubog sa ikatlo ni Aquino na siningitan naman ni flamer Miko Romero sa ikalawa, 100m backstroke.
Sa 200m individual medley, nagmistulang isda si Romero ng iwanang luhaan sina Green Hornet Raymond Tayao at Dragon Liam Tomas sa ikalawa at ikatlong puwesto, ayon sa pagkakasunod.
Humahangos naman sa finish line sina Stinger quartet Wilfredo de Leon, Manuel Reyes, Patrick Policarpio at Aquino sa 4x50m medley relay na binuntutan nina Flames Nercy Joshua Centeno, Edward Liwag, Camua at Romero. Minalas naman at tuluyang lumubog sa relay event ang Stallions na sumandig sa magkapatid na Portes, Jefferson Tecson at Vergel Mosquette.
“[Ini-expect naming manalo] kasi mga bata pa ‘yong sumunod sa’min e. Nakakatuwa manalo kasi alam naman naming walang training ang mga kalaban namin,” ani ni Enric Portes ng Stallions.
Sa huli, nilumot sa ika-apat ang Magnates at nanatiling lugmok sa ika-lima ang Green Hornets.