Newsletter Issue Vol. XL No. 2
Nina Joseph Sonajo at Mhervin Viray
Naging piping saksi ang Valencia Hall sa mala-halimaw na determinasyong sinandigan ng mga dating bubot sa table tennis matapos pataubin ang mga dating hari at reyna ng bayuhan, Agosto 28.
Sa kalalakihan, nagbakbakan ang kapwa CoE Red Ants na sina Arlu Mapili at Japhet Balatbat sa finale ng women’s single division ng table tennis. Dinonselyahan naman ni Mapili ang kalabang freshman ng salvage victory matapos niyang dominahin ang unang apat na yugto ng laban, 4-0. Pinaghatian naman nina CS Hornets Ryah Coronel at CAFA Beavers ang tanso sa parehong dibisyon.
“Praktis lang talaga saka dapat may willingness ka para manalo,” pahayag ni Mapili.
Dumaan sa butas ng karayom si CHE Golden Tigers Jansen Reyes upang ilusot ang isang come from behind victory kontra kay CICT FireFox Jasper Fernandez, 4-3 umaatikabong pag-abot sa ika-pitong set upang dominahin ang men’s singles.
Pinigil naman ni dating BulSU table tennis varsity player at crowd darling na si Reyes ang pabulusok pa lamang na si Fernandez nang mapagtagumpayan nito ang pang-apat na set. Nakuntento naman sa tanso sina CoE Red Ants Mark Jeffrey Espiritu at CICT Firefox Pope Joneal Alquirez.
“Sa tingin ko para sa kanya talaga ‘yong laban, pero maganda naman naging resulta ng laro namin,” pahayag ni Firefox Fernandez
Naging dikdikan man ang laban, nagawang paralisahin at gapiin ng CIT Stingers na sina Xavier Javier at Mayonel Condez ang mga beteranong hantik na sina Jowen Erl Nepomuceno at Hope Laganao ng kanila itong paluhurin sa iskor na 4-2 sa Men’s doubles. Samantala, tablado sa ikatlong pedestal ang mga bituin ng Sarmiento at lobo ng CICT sa parehong dibisyon.
“Hindi kasi kami kabado, kumbaga chill at game lang kami, may kumpiyansa sa sarili at kakampi namin si God,” ani CIT Stinger Javier.
Inuwi naman sa Bustos Campus ng mabangis na tandem nina Diana Garcia at Donnicka Angel Embudo ang korona sa women’s doubles laban kina CICT Firefox Kristine Manuzon at Shiline Oishi. Inokupa naman ng eagle duo nina Jamielyn at Jannielyn Santos ng Meneses Campus at Lovelyn Grace Zaballa at Roneth Michaella De Arroz ng CoE ang pangatlong puwesto.