Newsletter Issue Vol. XL No. 2
Nina Joselito De Guzman at Arjay Jimenez
Dinastiya.
Nagmistulang berdugo ang mga alipores ng CIT Stingers matapos magsubi ng ika-anim na sunod na kampeonato at iluklok ang koponan sa mga alamat ng Sepak Takraw na ginanap sa Activity Center, Agosto 28.
Maagang umentrada ang Stingers nang magkasunod nitong katayin ang mga Bustos Dragos at mga hantik ng CoE, parehong 3-0 masaker.
Sa deciding title match, humataw agad ang mga biyas ni ace tekong Gio Enriquez nang magpaulan ito ng mga solidong kombinasyon na nagpalaos sa kinang ng mga batang Sarmiento sa unang regu. Hindi pa nagsawa, lalo pang lumayo ang Stingers sa pagkonekta ng mga service ni Errol Ostan.
No mercy pa din ang mga siga ng Alvarado Hall sa ikatlong regu nang ipasok ang kambal na sina Jed at Julius Alvares na nagpaguho at nagpapundi sa kinang ng Stars.
“Expected na namin na kami ‘yong mananalo kasi ‘yong mga players namin usually nakapagtraining ‘yan. Next Intrams, siguro kami pa din kasi wala akong nakikitang tatalo sa team namin,” ani CIT Coach Jeffrey Llauderes.
Samantala, nagmistulang déjà vu naman ang kampanya ng Bustos Campus nang muli na namang magtapos sa ikalawang puwesto, Red Ants sa ikatlo at ang nangungulelat na Stars sa ikaapat.