Newsletter Issue Vol. XL No. 2
Nina Sharmaine Abaro, Jeaneth Panti at Rochelle Placino
Dumagundong ang buong Activity Center makaraang buhusan ng malamig na tubig ng CIT Stingers ang CoEd Flames sa men’s division habang binuhay naman itong muli ng Lady Flames sa kaibayong dibisyon ng Futsal event, Agosto 31.
Hindi inasahan ng mga Flame kickers na aapulahin ng mga bagitong Stingers ang kanilang angas matapos na kawawain sila sa score na 5-0, pangunguna ni prime striker Leonel Ariola. Kinapos naman sa bala ang mga up and coming football stars ng CCJE na nakuntento na lamang sa tanso.
“Di namin inaasahan, kasi malakas talaga ‘yong mga kalaban namin kasi sila [COED] ‘yong laging lumalaban sa finals ng Intrams,” ani Jeffrey Llauderes ng Stingers.
Samantala, tinanggap naman ng Flames ang pagdodomina ng Stingers sa nasabing laro.
“Araw araw kaming nagpa-practice kapag uwian pero, malalakas talaga ‘yong mga kalaban namin, gano’n talaga, bilog ang bola, may nananalo, may natatalo,” salaysay ni John Michael Espiritu, Coed Flames.
Sa kabilang banda, ipinatikim naman ng Lady Flames ang mapait na paghihiganti ng tambakan nito ang CBA Magnates sa iskor na 4-1, habang pumangatlo naman ang Lady Stingers.
“Masaya sa pakiramdam na nanalo ang COED, kasi kahit papa’no ‘yong goal namin na may ma-i-contribute sa college ay nagawa namin,” pahayag ni Emmanuel Robles, coach ng nagwaging koponan.