Newsletter Issue Vol. XL No. 2
Nina Raquel Magtalas at Mhervin Viray
Giba na ang institusyon.
Walang panama ang malahurnong init ng araw ng Bulacan Sports Complex sa swerteng kumapit sa mga Magnate booters nang kapwa mapagtagumpayan ang magkabilang shoot-out laban sa mga hantik at bubuyog at tuluyang i-dispatya ang 4-year champ na CoEd Flames, dahilan upang makasikad ng ginto sa Intramurals Football tournament, Agosto 30.
Semis pa lang ay nagpaalam na ang Flames matapos dumayo ng pagkatalo kalaban ang CIT nang isalpak ni Stinger Jake Jefferson Doria sa binabantayang puting lambat ang huling pag-asa sa kampeonato ng CoEd.
Sa finals, kinulang ang regular time sa giyera ng Magnates kontra Stingers na nagbunga sa pagkakalunsad ng isang mainit na shoot-out sa end-game. Nangagat sa unang bahagi ng crunch time ang CIT sa tulong ng mga pangil ni Alvin Doria, na agad namang sinagot ng sariling clutch goal ni CBA youngster Alvin Godoy, tabla sa shoot-out.
Tuluyan ng dinaga ang CIT matapos magmintis sa ikalawang shoot-out, na sinamantala naman ni CBA striker Jon Jovi Jamero na nagsara ng serye, 1-0 panalo ng Magnates.
“Sinunod ko lang ‘yong sinabi ng coach ko na huwag akong kabahan, kaya ayon, nakuha namin (panalo),” pahayag ni Jamero.
Maluha-luha namang nakontento sa tanso ang Flames ng tirisin ng mga ito ang Red Ants sa sagupaan para sa pangatlong puwesto.
“Masaya kasi ‘di ba last year wala kaming place saka maganda ‘yong defense naming ginawa, s’yempre sa coach saka sa players, mahirap kasi pag ‘di nakikinig,” ani Magnates Assistant Coach Jessiegin Capino