Pacesetter Vol XLI No. 1 Broadsheet Issue
Ni Rowell Demdam
“Gusto ko po ulit mag-aral ngayong pasukan. Kaya lang, wala pang pera sina nanay.”
Ito ang panghihinayang ng pitong taong gulang na si Agnes Malaza, pangatlo sa apat na anak nina Allan at Felia Manaza. Naninirahan sa isang munting tahanan sa Baranggay Caniogan, Lungsod ng Malolos.
Sa kabila ng mura niyang kaisipan, kitang-kita sa kaniyang mukha ang kagustuhang muling makabalik sa pag-aaral na nahahadlangan ng kahirapan. Ang Php400 kada-araw na sahod lamang ng kaniyang ama, isang construction worker, ang bumubuhay sa kanilang pamilya na tila madaragadagan pa dahil sa nagdadalang tao niyang ina.
“Kung ilalarawan ko ‘yong estado ng buhay namin, sobrang hirap talaga kasi ako lang ang nagtatrabaho. Dalawang daan [Php200] ang nagagastos para lang sa baon nilang tatlo [anak]. Buntis ang asawa ko, may araw-araw pang gastusin. Pagkain, tubig at kuryente,” pagsasalaysay ni Allan patungkol sa kanilang pamumuhay.
Ayon sa huling pag-aaral ng Provincial Youth, Sports, Employment, Arts, Culture, and Tourism Office , pumalo sa 122,481 ang bilang ng out-of-school youths (OSY) base sa Community based Monitoring System noong taong 2007 mula sa kabuuang dami ng 616, 886 kabataang Bulakenyo. Nakapanlulumong 19.85 porsiyento ang napabilang sa OSY na dapat ay nasa paaralan. Malala pa rito, higit sa kalahati ng bahagdan ay nasa edad na 12-taon pababa.
Sa dikdikang pagsulong ng mga kasagutan para sa kinakaharap na suliranin ng edukasyon sa bansa, hindi nagpahuli ang Bulacan State University (BulSU) sa paglunsad ng proyektong naglalayong maging makabuluhan ang lagay ng bakasyon ng mga bata. Pamamahagi ng bitbit na karunungan sa pamamagitan ng programang ‘Eskwela sa tag-araw’ na may tagline na ‘Karunugan para sa kabataan’ ang pinangunahan ng College of Social Sciences and Philosophy Local Student Council (CSSP-LSC), sa ilalim ng tagapayong si Frederick Macale, faculty member ng CSSP.
“Hindi lang ito para sa mga bata, para rin ito sa BulSUans upang magkaroon ng makabuluhang summer at orientation sa leadership training,” ani Macale.
Naisagawa ang kanilang ‘Eskwela sa Tag-araw’ sa Caniogan Day Care Center, sa tulong ng CSSP-LSC, ilang BulSUan volunteers, at ilang mga guro, na siyang nagbigay oryentasyon at maraming aktibidad sa 30 bata sa pagitan ng edad na apat hanggang 12 taong gulang noong 25 ng Abril at apat na araw sa buwan ng Mayo.
“Actually, extension project ‘to. Noong nakaraang taon pa ang konsepto nito mula sa ‘Worksyap sa Tag-init’. Hindi lang nabigyan ng pagkakataon, hindi nabigyang tuon. Marami kasing salik na naging sagabal kaya hindi natuloy, kulang sa volunteer, pera, at dahil na rin sa pagbaha,” pagpapaliwanag ni Macale.
Saksi ang pampublikong kalsada sa ilang mga batang malinaw na tigang sa edukasyon sa baranggay Caniogan. Upang gawing makabuluhan ang summer vacation ng mga batang karaniwang nakahalo sa usok na ibinubuga ng mga sasakyan habang nagkikipaglaro, ito ang napili CSSP-LSC upang pagdausan ng nasabing proyeto.
“As an organizer we need to know kung ano ang feasible, ‘yong dapat kaya ng grupo, ‘yong kayang gawin ng LSC. May contact kami do’n [Brgy. Caniogan], students na taga-do’n at welcome sa barangay officials ‘yong project. Dapat isipin ‘yong convenience, h’wag dapat nag-iisip ng proyekto na ‘di kayang gawin,” dagdag ni Macale.
Hindi naman nagdalawang-isip ang mga magulang ni Agnes na isali siya sa programang ito. Hindi nakayang makapag-aral ni Agnes noong nakaraang taon dahil na rin sa problemang pang pinansyal kaya naman hindi na nila pinaglampas ang oportunidad na dumating sa kanila na maaaring maging sagot sa pangarap ng kanilang anak.
“Gusto rin talaga ‘to ni Agnes na sumali d'yan [Eskwela sa Tag-araw]. Kasi in-invite ‘tong mga bata ng kuya Robin [isa sa mga volunteer] nila, d'yan nakatira sa kapitbahay namin, sa BulSU din 'yon nag-aaral. No'ng malaman nitong si Agnes, natuwa siya, gusto kasi niya, kaya pinasali ko s’ya," pagkukuwento ni Felia.
Iba-iba ang profiles ng mga batang lumahok kung kaya’t hinati at ibinahagi sila sa grupo na dumedepende sa antas ng kanilang kamalayan. May grupo ng nursery at Grade 1 hanggang 7. May ilang marunong nang bumasa o sumulat subalit marami ang salat sa alpabeto at konsepto ng Matematika. May mga grupo ring tinuruan ng primary colors, mga hugis, pagguhit at pagkukulay. Hinasa naman ang ilan sa kanilang pagbasa, pagsulat at pagbilang.
Dumaan ang mga batang kalahok sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) bago nakapasok sa nasabing proyekto. Bukod sa mga batang tigang sa edukasyon, bingyang prayoridad din ang mga paslit na iginugugol ang kanilang bakasyon sa kalsada.
“Kailangan talagang mabigyan man lang ng libreng edukasyon ang kabataan sa mababa at mataas na paaralan. S’yempre para matugunan man lang natin ang ‘Kabataan, pag-asa ng Bayan’ ni Jose Rizal. Dapat mabigyan ng patas at pormal na edukasyon ang kabataang Bulakenyo,” ani Lolita S.P. Santos, Registered Social Worker, City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
Sa kasalukuyang 1987 konstitusyon ng bansa, bumabalangkas ito ng panuto sa nasabing paksa kung saan binigyang espasyo sa Article II, Section 17 ang pagbibigay importansya sa bawat mamamayan o kabataan ng kinakailangang edukasyon.
“Lahat ng bata ay may karapatan na mag-aral pero dahil sa status ng buhay nila, hindi nagagawa. Minsan, kasalanan ng mga magulang kasi hindi sila gumagawa ng paraang ipasok ang anak kahit sa pampublikong paaralan. Pero minsan, may sapat talaga silang dahilan at hindi naman nila ginusto ‘yon,” pahayag ni Krizza Andrea Garcia, gobernador ng CSSP-LSC at tumayo rin bilang pansamantalang guro ng mga bata.
Nahinto ng pag-aaral si Agnes dahil sa paglipat nila ng tahanan. Umaasa lang din sila sa proyekto ng isang unibersidad sa Maynila na tumutustos ng kaniyang mga pangangailangan sa pag-aaral. Sa edad niya sa ngayon, dapat ay nasa unang baitang na siya ng elementarya.
“Nahuli na sila sa edad pati ‘yang si Agnes, matanda na s’ya kumpara mo sa mga kaklase n’ya, buhat naman ‘yon nang pag-stop n’ya pagkatapos naming lumipat [dito sa Malolos],” ani Felia.
Sa kabila nang hindi pag-aaral ni Agnes, buo ang kanyang determinasyon na muling umapak sa paaralan. Makikita sa kanyang mga mata ang pagnanais na balang-araw ay muling maupo sa harap ng pisara habang magiliw na tinuturuan ng isang guro.
“Gusto ko po ‘to kaya sumali ‘ko dito. Gusto ko po matuto magbasa at magsulat para po sa pagpasok ko sa susunod na pasukan,” pahayag ni Agnes, na napabilang sa grupo ng nursery.
Nagwika naman tungkol sa lagay ng kaalaman ni Agnes ang tumayong pansamantalang guro niya na si Renee Anne Travino, isang volunteer mula sa College of Home Economics, “Hindi ko masasabing magaling o matalino s’ya [Agnes] kasi nahihirapan s’ya med’yo slow pero ramdam ko may potensyal siya. Sayang e, sobrang laking part kasi ng isang dekalidad na edukasyon sa buhay. Malay natin, si Agnes pala ang mag-aahon sa kanyang pamilya sa kahirapan.”
Sang-ayon naman rito ang ama ni Agnes. Ilang beses na rin daw nakitaan ni Allan ang kaniyang anak ng kasipagan sa pag-aaral, “May potensyal ‘yang anak ko, s’ya pa talaga ang nagpupursigi, sasabihin pa n’yan sa ‘kin ‘tatay papasok po ako.’ Masipag talaga, wala akong masabi. Gusto talaga n’yang mag-aral.”
Panahon at lakas ang inilaan ng mga volunteers para maibigay nila ang buo nilang makakaya upang makapaglaan sila ng tulong para sa mga bata. Sa kabila ng kusang-loob nilang pagboboluntaryo, hindi rin naman maitatanggi na maging sila ay may natutunan sa nasabing proyekto.
“May isang bagay na tumatak sa ‘kin, ‘time giving is a life giving’. Sa paglaan ko kasi ng oras at panahon sa ‘Eskwela sa Tag araw’ ilang part ng buhay ko ang binigay ko. Isang bagay na natutunan ko rito ['Eskwela sa Tag-araw'] ay pagpapahalaga sa mga bata, mga batang mas nangangailangan ng edukasyon, ‘yong h’wag tayong maging madamot sa paglaan ng panahon sa mga batang nangangailangan," wika ni volunteer Nhereel Joyce Emeterio ng CSSP.
Dinagdag din ni Garcia ang mga naging balakid sa gitna ng pagtuturo, “Though naging mahirap talaga, ang problema kasi namin ay ‘yong facilities, kung conducive for learning ba, [pati] mga upuan. Sa umpisa, magugulo ‘yong mga bata kaya nag-adjust ‘yong mga volunteers. Pero naging successful naman.”
Mula sa maliit nilang pondo na 4,550 Php na nagmula sa donasyon ng mga estudyante ng CSSP at ibang BulSUans, naihatid ang edukasyon sa munting mga bata. May mga donasyon din tulad ng mga chalk, lapis, papel, krayola, mga bag na naging susi upang maituloy ang proyekto. Kanila namang kinumpirma na susundan nila ito sa susunod na taon ng bakasyon.
“Maganda ‘yong pagtatapos ng proyekto namin. Magandang simula ‘yong ginawa ng LSC para sa taong pampaaralan. Naipakita dito ‘yong spirit of volunteerism, nae-engage ‘yong mga bata sa pagiging volunteer. Magkakaroon ulit tayo nito sa Summer 2014 at baka ituloy na rin ‘yong ‘Worksyap sa Tag-araw’,” ani Macale.
Sa pagtatapos, nagbigay ang mga munting bata ng kanilang liham pasasalamat sa mga volunteers. Dito ay isinaad ng mga musmos ang kanilang taus-pusong paglugod.
“Salamat po kasi tinuruan nila kami kahit makukulit kami. Natuto po kami magbasa at magsulat para alam na namin ‘yong lesson ‘pag pasukan. ‘Di po kasi sila nagsasawang magturo,” lubos na pasasalamat sa liham ni Adrian Santos, limang taong gulang, isa sa mga batang kabilang sa proyekto.
Sa walong dibisyon ng batang tinuturuan, pinunan ng mga volunteers, bilang kanilang tagapagsanay, ang kakulangan sa edukasyon ng mga bata. Binigyang pagkakataon din ang bawat bata na magsalita at magpasalamat. Sa limang araw na pagbabalik-balik, nag-uwi ng karunungan ang mga bata patungo sa kani-kanilang tahanan.
“Hindi dapat nasa kalye o kung saan-saang lugar maliban sa paaralan ang mga bata. Dapat sa kanila nag-aaral, dapat sa kanila pinag-aaral. Kaya ito ang isinusulong namin, ‘yong umpisahan ang pag-asang mabigyan ng patas at pormal na edukasyon ang mga less privileged school children,” opinyon ni Garcia.
Sa muling pagbagtas ng kanilang paa sa pinahiram na harapan at labas ng eskwelahan, sa harap ng tisa at pisara habang ang mga boluntaryo ay magiliw na nagtuturo, nahasa ang kanilang mga kaalaman. Pagpapasalamat ang mga patinig at katinig na bumukambibig sa mga batang tulad ng karaniwan ay may mataas na pangarap.
“Gusto kong maging teacher paglaki ko, gusto ko po maging teacher para maturuan ko rin po ‘yong ibang bata,” isang munting pangarap ni Agnes na maaaring magbigay ng malaking pag-asa sa mga susunod na henerasyon para sa kabataan, para sa bayan, para sa kinabukasan.