Newsletter Issue Vol. XL No. 2
Nina Ann Lea Santiago, Priminelle de Leon at Rowell Demdam
Pagbabago pa rin ang hinahanap-hanap ng mga pamilyang naninirahan malapit sa Marilao-Meycauayan-Obando River System (MMORS) sa kabila ng nauna nang paglulunsad ng Water Quality Management Area (WQMA) noong 2008 sa bisa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Administrative Order No.7 na may layuning panumbalikin ang kalinisan at kaayusan ng nasabing ilog.
Sa ilalim ng programang ito, naglunsad ang pamahalaan ng mangrove planting, clean-up drive, at iba pang mga makabagong pamamaraan upang hindi mapabayaang muli ang MMORS. Tinatayang aabot na sa 100 milyong piso ang nakalaang badyet para rito na magmumula sa pamahalaan.
Nitong nakaraang ika-19 ng Hulyo, Muling nagsagawa ng clean-up drive na pinasimulan sa ilog ng Marilao. Dito binigyang diin ang kagustuhan ng lokal na pamahalaan na magkaroon ang lahat ng matinding motibasyon upang maglinis sa ilog o kaya ay upang maiwasan na ang pagtatapon ng basura rito. Ito ay pinangunahan ni Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado kasama ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Air Force Reservist (AFR) at iba pang organisasyon.
“This activity is part of our long-term solution to erase the bad image that is associated with our MMORS. We are serious in making our vision a realization, and with the help of other government agencies and the citizens as well, I am positive that we can be successful in this project,”ani Alvarado sa isang panayam sa pahayagang Business Mirror.
Sa pagsasagawa ng clean up drive sa Marilao, kumilos na rin ang lokal na pamahalaan ng Meycauayan sa pangunguna ng kanilang alkalde na si Kgg. Joan Alarilla at ni Kgg. Orencio Gabriel na s’ya namang alkalde ng Obando upang magsagawa ng clean up drive sa kani-kanilang nasasakupan.
Matapos na maisagawa ang clean up drive ay nilagdaan ng mga pinuno ng tatlong apektadong bayan ang pagpapatupad sa Provincial Ordinance 2012-09 na nagsasaad na ipinagbabawal na ang paggamit ng mga plastic sa Bulacan at para na rin sa rehabilitasyon ng MMORS.
Taong 2007 nang kumalat ang balitang kabilang sa listahan ng Dirty Thirty World’s Worst Polluted Places ayon sa Blacksmith Institute ang MMORS. Bilang tugon, makailang ulit nang nagsagawa ng aksiyon ang lokal na pamahalaan upang linisin ang nasabing ilog.
Dahil dito, nagdaos ng mga seminar ukol sa tamang pagtatapon ng basura ang lokal na pamahalaan na nagsimula noong 2008. Nagtatag din ng samahan na tinatawag na ‘Bantay Ilog’ ang WQMA na binubuo ng mga opisyal ng mga barangay na madadaanan ng MMROS upang panagutin ang mga mamamayang lalabag sa mga nabanggit na ordinansa.
Sinasabi naman ng mga residente ng Marilao na walang saysay ang lahat ng mga pagsisikap na ito dahil natuklasang nagmumula ang basura sa mga lugar kung saan nagkalat ang informal settlers partikular sa mga lungsod ng Valenzuela at Caloocan na patuloy na nagtatapon ng kanilang dumi sa ilog.
“Gano'n pa rin naman e. Madumi ‘yong ilog, mabaho. Minsan nagdudulot pa ng sakit,” reklamo ni Vita Robles, isang residente na nakatira malapit sa ilog ng Marilao. Sinundan naman ni Mang Eduardo, kalapit-bahay ni Vita, ng pagsang-ayon ang pahayag nito, “Wala, walang pagbabago. Ang basura ‘ke dami-dami. Napakadumi ng ilog. Pupunta lang sila dito kukunin lang nila ‘yong basura sa ibabaw.”
Upang matigil na ang pagdagsa ng basura mula sa mga karatig-bayan, nagbitiw ng salita si Metro Manila Development Authority (MMDA) Assistant General Manager Emerson Carlos sa lokal na pamahalaan ng Bulacan na pupulungin n’ya ang mga alkalde sa Metro Manila upang hikayatin sila na magsagawa ng inspeksyon sa mga factory na walang habas na nagtatapon ng basura sa mga kailugan at inaanod patungo sa Bulacan.
Bagama’t may mga ganitong hakbang na ang lokal na pamahalaan bilang pagtugon sa malalang problemang ito ng MMORS, may iilang mamamayan pa rin ang hindi kuntento sa mga resulta nito.
“Simula pagkabata, wala akong nakitang pagbabago. Sinasabi lang nila dahil pulitiko pero wala namang aksyon. Gagawa, gagawa, wala naman talaga kong nakikitang nagagawa,” ani Mang Eduardo.
Ito rin ang hinaing ni Vita, “Ano ba namang mga pangako 'yan, lilinisin daw, nililinis nga ba? Pupunta lang sila dito kapag may nag-report. Sana naman aksyonan na nila."
Ayon kay Engr. Edwardo San Pedro, Senior Environmental Management Specialist ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO), marami na silang naikot na bayan noon upang magsagawa ng mga proyektong gaya nito ngunit iyon ay noong mga panahon pa na talagang tutok sila sa WQMA. Dagdag pa n’ya ay ang PNP talaga ang may jurisdiction sa mga bagay na ganito kaya nasa kanila ang course of action.
"Personal observation ko bilang may kaalaman diyan. Actually, kami 'yung part na nasa ground level, lahat ng utos ginagawa namin. That was a few years ago, pero no'ng nagbago ang administration, nag-lie low din ang opisina diyan sa WQMA kaya hindi na kami active diyan. Mabilis tayo sa pag-comply sa batas through paper pero pag implementation na, medyo bumabagal tayo dun. More on paper lang tayo," pahayag ni Engr. San Pedro.
Isa pa sa mga tinutukoy na dahilan ng pagkontamina ng ilog ay ang mga kemikal na itinatapon ng mga pabrika at balatan mula sa munisipalidad ng Meycauayan at duming agrikultural tulad ng mga nagmumula sa babuyan at manukan sa Marilao.
Dahil sa matinding polusyon sa sinasabing ilog, ito ngayon ang sinisisi ng mga residente sa mga karamdamang kanilang natatamo.
“Minsan, ‘yung mga bata dito nakakasagap ng mga sakit tulad na lang ng ubo’t sipon dahil nga sa ilog na ‘yan. May time din na hindi ka makakaen kasi naaamoy mo ‘yong ilog,” hinaing ni Aling Violy, isa pang residente sa tabi ng ilog.
Mariin namang pinabulaanan ni Engr. San Pedro na wala pang kahit anong pag-aaral ang magpapatunay sa paratang na ito. Kung tutuusin, nagkaroon na umano ng kahit papano’y magandang pagbabago ang kalidad ng tubig ng MMORS mula ng simulan ang WQMA.
“Basically s’yempre, nabawasan na ‘yong pollution ng tubig mostly more on organic [wastes] pero ‘yong heavy metals medyo big question pa ‘yon,” paliwanag ni Engr. San Pedro.
Hindi man maging epektibo ang ginagawang aksiyon ng lokal na pamahalaan sa ngayon, ang bawat mamamayan na apektado ng masangsang at maruming ilog ay magigising rin sa realidad na kung walang nagaganap na pagbabago ay marahil sila na ang dapat na gumawa ng aksiyon para sa ikapakikinabang ng bawat isa.
“Kumikilos naman sila oo. Kailangan din kasi minsan kami na mismo kumilos diyan, magkusa o umpisahan sa sarili ang paglilinis ng ilog. Maglinis man sila diyan magdamag kung kami mismong mga naninirahan ay hindi, balewala rin,” paglalahad ni Avellina Atienza, presidente ng squatter’s area sa tabi ng ilog.