Newsletter Issue Vol. XL No. 2
Nina Irvin Ian Pacheco at Joseph Sonajo
Nakapundasyon sa mga layuning panatilihin ang likas na yamang-dagat, pagkakaroon ng sapat na suplay na pagkain at ang wakasan ang kahirapan ang naging tambalang Bulacan State University (BulSU) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagkakasa ng Philippine National Aqua-Silviculture Program (PNAP) sa lalawigan ng Bulacan.
Itinakda ng probisyon ng Republic Act no. 8292 o ang Higher Education Modernization Act of 1997 ang pagtutulungang ito kung saan binibigyang awtoridad ang mga State Universities and Colleges (SUC’s) na magkaroon ng ugnayan sa iba’t-ibang institusyon at ahensya sa loob ng probinsya upang isulong ang kanilang mga adhikain.
Isa ang BulSU sa 80 piling SUC’s at schools of fishery sa buong bansa na makakatuwang ng BFAR sa pagsu-sulong ng aqua-silviculture upang makamtan sa loob ng tatlong taon ang 100 milyong puno ng bakawan, na siyang natural na habitat ng iba’t-ibang yamang dagat at likas na barrier sa mga malalakas at mapanirang alon. Ang aqua-silviculture ay isang artipisyal na palaisdaan na palilibutan ng mga punong bakawan na paglalagakan ng mga isdang nasa sapat na gulang na.
Bilang partisipasyon ng unibersidad, inilaan nito ang manpower resources sa teknikal na aspeto ng mga proyekto, sa pagbibigay ng iba’t-ibang mga seminar at training at gayon din ang paghi-hikayat sa mga estudyante nito sa pagsasaliksik at pag-aaral na may kinalaman rito.
Itinalaga bilang Project coordinator ng nasabing programa si Niccolo Velasco, Director for Planning and Information ng BulSU. Kasama niya sina Elizabeth Chua at Pepito Lunzaga na kakatawan bilang Community Organizer at Technical Assistant, na kapwa rin mga propesor ng BulSU.
“Maganda ang proyekto nila na ito, hindi lamang ang mahihirap na mangingisda ang matutulungan, maging ang kakulangan sa pagkain ay mabibigyan ng solusyon,” pagsang-ayon ni Velasco sa proyekto.
Naglaan ng kulang 3.5 milyong piso ang BFAR para sa Bulacan upang pasimulan ang proyektong nakatakdang ilagak sa lahat ng coastal areas¬ sa may katimugang bahagi ng ng probinsya, kung saan ang mga bayan ang nakaharap sa baybayin ng Manila Bay. Ang mga bayang ito ay ang Malolos, Bulakan, Obando, Paombong, at Hagonoy.
Sa pamamagitan ng mga Provincial Social Welfare and Development Office, Fisheries and Bulacan Aquatic Resources Management Council at local government unit ng mga bayang nabanggit, tutukuyin ang mga mamamalakaya na kabilang sa marginalized sectors ng Bulacan.
“Dito na papasok ‘yong poverty alleviation, kasi ‘yong mga mahihirap na mangingisda ang pipiliin namin,” paniniguro ni Velasco.
Hahanap ang programa ng mga mangingisdang magtatanim ng bakawan para sa katuparan ng proyekto. Itinatayang anim na piso kada-isang punong bakawan ang ibabayad nila sa mga nagpunla nito.
Magtatayo rin ng isang palaitlugan ng mga isda, alimango, alimasag, hipon at iba pang pagkaing nakukuha sa tubig o ang tinatawag na ‘hatchery’. Kapag sapat na ang laki ng mga fingerlings, ililipat na ito sa Aqua-silviculture para dito palakihin at alagaan ng mga mangingisda hanggang sa maaari na itong ibenta at ang perang kikitain nila ay maaari nang gamitin upang suportahan ang kanilang kabuhayan.