Tabloid Issue Vol XL No 3
Ni Peter John E. Servilla at Jesson B. Lagman
”‘Di ba dapat sakop pa rin ng karapatan ng mga estudyante ang magkaroon ng ligtas na daanan papunta/papasok at pauwi/papalabas ng eskwelahan?” tanong ng isang BulSUan. Tunay ngang ang paaralan ang pangalawang tahanan ng isang indibidwal, subalit paanong babansagang ‘tahanan’ ang isang lugar na sa pagpasok palang bukod sa ‘di na ligtas ay nakakaperwisyo pa?
Nananatiling mga estudyante ang talo sa ipinapatupad na nakalilitong sistema ng sakayan at babaan patungo sa Bulacan State University (BulSU). Umani na rin ng ‘di mabilang na hinaing at reklamo mula sa ‘di rin mabilang na mga estudyante ang palyadong sistemang ito.
Malaking palaisipan sa lahat kung bakit hanggang ngayon ay patuloy na nagbibingi-bingihan ang mga awtoridad sa hiling na baguhin o mas lapitan ang babaan at sakayan sa mismong gate ng BulSU. Isama pa rito ang mga pagal na paa, ilang minutong huli sa klase at mga balat na naluto na sa init ng araw, mga dagdag na benepisyong pang-estudyante ng maayos na ‘raw’ na sistema.
Babaan at sakayan
Isa sa mga pangunahing pahirap sa mga estudyante sa araw-araw na pagpasok sa BulSU ay ang sistema ng babaan at sakayan. Sa isinagawang survey ng Pacesetter, tinanong ang mga respondents kung saan dapat ilagay ang loading-unloading zones ng BulSU, 76.2% ang nagsabing dapat ito ay nakalagay sa tapat ng main gate ng unibersidad. Samatalang ang natitirang 23.8% ang nagsabing tama lang ang kasalukuyang lokasyon ng mga ito.
“Okay na siguro ‘yong medyo malayo sa school para ‘di congested at sabay-sabay . Siguro sana may mga nakatalaga talagang karatula o shed o ano man na nagsasabi kung saan ‘yong babaan at sakayan,” ani Edward Christian Cudal, 3rd year BS Architecture.
Kaiba naman ito sa opinyon ni Shairie Anne Cudia ng Fine Arts-4A, “Masyadong malayo para sa mga estyudyante [loading-unloading zone sa Graceland Mall at Malolos Central Terminal Station]. Mas maganda siguro kung mayro’n talagang tamang loading and unloading zones na hindi naman gano’n kalayo sa BSU, para hindi rin mahirapan kaming mga estudyante.”
Paliwanag ni Engr. Ernesto Galang, Assistant Engineer ng Planning and Design Section ng Bulacan 1st District Road Board, na sa kanilang panuntunan ang isang loading-unloading zone ay nararapat na nakapuwesto ng 50 metro o hindi bababa rito mula sa isang intersection. Itinakda naman ng City Traffic Management Office (CTMO) ng Malolos na, ang lehitimong loading-unloading zone ng lugar ay ang Malolos Central Terminal at harapan ng Graceland Mall.
“Wala nang p’wedeng maging dahilan para kung saan-saan bumaba, kasi ‘yong jeepney [drivers] na majority na sinasakyan ng mga estudyante, nakausap na namin so alam talaga ang [nila] babaan, ‘pag ’di nila sinunod, huli sila, “ani Jonathan Viloria, Over-all Supervisor ng CTMO-City of Malolos.
Dagdag pa sa araw-araw na kalbaryo ng mga mag-aaral ay ang hindi pagsunod ng mga jeepney driver
sa kung saan dapat ibaba ang mga pasahero. Malayo na nga ay lalo pang napapalayo ang mga ito gaya ng sa halip ay sa terminal at Graceland ang babaan, dinadala sila ng mga drayber sa Puregold upang doon pa bumaba pabalik muli sa main gate ng BulSU.
“Minsan nga e parang ‘di ka na ibababa ng driver, tapos napakalayo ng pagbabaan sa’yo, tapos sa CSSP ka pa, kulang na la’ng sumakay ka ulit ng jeep para makarating ka ng BSU,” pagsasalaysay ni Howard Santos, first year Business Administration.
Idinahilan naman ni Leonardo Gumafelix, 25 taon nang driver ng isang public utility jeepney, ang masikip na espasyo ng loading-unloading zone sa harap ng Graceland Mall na siya ding car park ng naturang shopping mall, kung kaya’t napipilitan nang dumiretso ang mga kapwa niya driver sa susunod na loading-unloading zone sa Malolos Central Terminal na 50-60 metro ang layo sa main gate ng BulSU.
“Masyadong masikip d’on. ‘Pagka kami [driver] nando’n [sa harap ng Graceland Mall] na, nagdadaan pa ‘yong mga tao. S’yempre, nakakaabala sa ‘min ‘yon, imbes na nakaka- ‘go’ na kami, ‘di kami maka-‘go’ dahil maraming dumadaan,” depensa ni Mang Leonardo.
Pasaway na pedestrian
“Minsan ‘pag kinakailangan nang tumawid, tumatawid na ako. ‘Pag nale-late na sa klase nagmamadali nang tumawid kasi ‘yong traffic light, hindi accurate, tapos hindi rin maayos ‘yong traffic sign ng tao para tumawid minsan matagal mag-go kaya nawawalan ng pasensya,” ani Jerome Villacrusis, 2nd year BS Biology student.
Sa tala ng CTMO na isinumite sa BulSU na mula Oktubre 22-29, 2012 lamang ay mayroong 532 kaso ng jaywalking na sangkot ang mga BulSUan. Patunay kung bakit sa tapat ng bakuran ng BulSU ang most violated na kalsada sa lungsod ayon sa CTMO. “Talagang pasaway [ang mga BulSUan bilang pedestrian] e kasi kung may isang daang estudyanteng tumawid may isang daan katwiran sila, kan’ya-kan’yang katwiran,” komento ni Viloria.
Malinaw na nakasaad sa City of Malolos Ordinance number 15-2001 section 56 na, ang sino mang mahuhuling nag-ja-jaywalk ay bibigyan ng reprimand o warning sa unang offense nito ngunit, sa ikalawang paglabag sa batas ay magmumulta ng 50Php at comunity service na ayon sa magiging kaukulang sanksyon ng Traffic Management and Transporation Regulation Office.
“Ang batas ay batas , ‘di ka naman huhulihin kung wala kang ginawang labag sa batas. May mga professor pa nga d’yan na ayaw magpalista, nakakahiya daw ‘pag nalista ang pangalan nila do’n. Simpleng batas lang ang [pagtawid sa] pedestrian lane kahit grade 1, grade 2 pagkapumapasok sa eskwelahan may nakitang pedestrian lane, alam d’on ang tawiran so, ikaw pa na college na; ikaw pa na college professor, nakatapos ka, may degree ka tapos sasabihin ‘di mo alam? common sense lang,” himutok ni Viloria.
Ang pagsasawalang bahala sa patakarang ito ng CMTO ay isang bagay na pinagsisihan na marahil ng iba sa mga BulSUan na mas piniling sumuway kaysa maghintay. Subalit may ilang pahayag ang mga BulSUan na nakaligtas sa tiyak na kapahamakan nang dahil lamang sa hindi pagsunod sa nakatakdang tawiran.
Tulad na lang ng 1st year BS Psychology student na si Jairra Bianca Trinidad, na aksidenteng nahagip ng isang tricycle habang naglalakad sa harap ng bakuran ng unibersidad.
“Naglalakad kasi kami sa may tapat ng Ministop tapos may bigla na lang bumangga sa may likod ng paa ko. Good thing naka-rubber shoes ako n’on kaya ‘yon ‘yong nasira. Gasgas lang kaunti tapos medyo iika-ika. Siguro kasalanan ko din kasi nakatalikod ako sa daan. P’wede ring walang matinong lakaran kasi minsan halos makipagpatintero ka sa mga taong nakakasalubong mo lalo ‘pag uwian,” pagsasalaysay niya.
Inaakala ng karamihan na sa maliliit na galos lamang na gaya ng natamo ni Jairra nagtatapos ang lahat. May isang insidenteng nagpatunay na delikado para sa mga estudyante ang paglalakad ng malayo sa gate ng unibersidad. Kadalasan, sa halip na sa terminal ibaba ang mga pasahero ay idinederetso ito sa Puregold upang doon muli magsakay ng mga panibagong pasahero.
Magda-dalawang taon na ang nakalilipas, alas-siyete ng gabi ng January 16, 2011 nang aksidenteng mabangga ng isang public utilty van sa tapat ng Puregold Malolos ang 3rd year Mechanical Engineering student na si Patrick Atienza, 22, at sa kasamaang palad ay binawian din s’ya ng buhay.
Kompromiso ng CTMO at ng BulSU
Noong January 2011, nagkaroon ng kasunduan ang CTMO at administrasyon ng BulSU na, ang mga estudyanteng mahuhuli na nag-jaywalk ay hindi na huhulihin. Kukuhanin na lamang ang basic information at ibibigay sa opisina ng Dean for Student Affairs and Services.
Sa kasamaang palad, nahiharapan ang administrasyon ng BulSU na pigilin ang lumalalang problema ng jaywalking sa tapat ng unibersidad. Ayon kay Engr. Nicanor Dela Rama, Dean for Student Affairs and Services, pangunahing suliranin ang kalayuan ng tamang sakayan at babaan kasama na ang dami ng mga estudyante.
“To be honest, ‘di nila mapipigilan ‘yan. Imagine, thirty thousand ang [ populasyon ng estudyante ] main campus natin, ilan ang dumadaan d’yan? Paano mo pipigilan lahat ‘yan? Wala na tayong [BulSU Administration ]naging pagkukulang d’yan e kasi nilayo nila ‘yong access ng estudyante na makapasok ng malapit e. Ang magagawa na lang nila [CTMO] i-orient ng maayos ang mga drivers at magdagdag sila ng enforcers,” salaysay ni Dela Rama.
Napansin din ng CTMO ang problema ng BulSU na supilin ang nasabing paglabag ng mga estudyante. Nakikitang dahilan ng CTMO ang kakulangang maikalat ang batas trapikong kontra jaywalking.
“Majority kasi ng nag-vi-violate ng jaywalking estudyante. ‘Yong mga estudyanteng walang idea sa naging usapan namin (sa pagitan ng BulSU Admin) kaya mayro’n pa ding nagvi-violate,” daing ni Viloria.
Dumepensa naman si Presidente Mariano de Jesus na hindi madaling mag-disseminate ng impormasyon sa 30,000 estudyante. “They [estudyante] have common sense naman. Nakita nang may paparating tumatawid pa. My goodness,college students kailangan pa bang turuan? Hindi naman na kayo bata para alagaan pa,” pahayag ni De Jesus.
Samantala, nilangaw ang request ng BulSU sa CTMO na kung maaari ay lapitan ng kaunti pa ang sakayan at babaan ng mga mag-aaral ng unibersidad upang mabawasan na rin ang mga paglabag sa batas, ang aksidente at maging ang hirap ng mga estudyanteng pumapasok sa BulSU. Ngunit sa halip na aksyunan ay ipinarating pa sa unibersidad na ang kalsadang ito sa tapat ng BulSU ay national road kung kaya’t ang gobyerno lamang ang maaring magdesisyon hinggil sa mga isyung ito at hindi ang BulSU.
Nabanggit naman ni Pres. De Jesus sa nasabing diyalogo ang kagustuhan niyang magdadag ng pwersa ng kapulisan sa paligid ng BulSU. Aniya, hindi lamang daw ito para masunod ang batas trapiko bagkus para maiwasan rin ang mga krimeng gaya ng holdapan.
“Naglagay naman sila ng pulis kaso sa umaga lang. Sana sa gabi mayro’n din,” pahayag ni De Jesus.
Pangakong solusyon
Isang nakalimutang solusyon ang muli na namang inihahain. Matatandaang ipinangako ni City of Malolos Mayor Christian Natividad sa Nobyembre 2010 tabloid issue ng Pacesetter ang pagtatayo ng isang footbridge sa harap ng BulSU para sa ligtas na pagtawid ng mga pedestrian lalo na sa mga estudyante.
Sa orihinal na plano ng nasabing proyekto, magtatayo ng 3 footbridges sa lungsod ng Malolos na may taas na 5.8 metro bilang vertical clearance nito. Nakaplanong ilagak ang mga ito sa mga lugar na malalapit sa eskwelahan; isa sa tapat ng Centro Escolar University sa may Brgy. Bulihan, sa kanto ng Brgy. Sta. Isabel na patungo sa Marcelo H. Del Pilar National High School, Holy Spirit Academy of Malolos at Holy Infant School at sa harap ng BulSU.
Magkakahalaga ng 8 milyong piso ang bawat footbridge na itatayo at magmumula ang pondo nito sa motor vehicle user’s charge o ang mga perang nakokolekta sa pagpaparehistro ng sasakyan. Kabilang rin sa pondo ang pagsasaayos at pagpapanatili ng kalidad ng mga national road ng bansa at isa na nga rito ang MacArthur Highway.
“Yes, tuloy s’ya [ang konstruksyon ng footbridge]. National road kasi ‘to kaya dapat, national government talaga ang nagpopondo dito,” paglilinaw ni Natividad.
Sinuportahan ang mga pahayag na ito ng Head Monitoring Unit ng DPWH 1st engineering district ng Bulacan na si Benedict Matawaran, “Actually, naka-propose na ‘yan hinihintay na lang. Bale nagkakaroon na ng negotiation d'yan, ginagawa na ‘yong Program of Works, inaayos at nililinaw na nila ang site na paglalagyan. Malapit na sa katotohanan. S’yempre pagkaganyan kasi popondohan ‘yan edi magpo-proposal tapos magbi-bidding pa. Mga next year [ang konstruksyon ng footbridge].”
Sa dalawang taong paghihintay ng mga BulSuan sa ipinangakong footbridge ay ‘di maiiwasang may mga tulad ni Ronnel John Bunag, isang 4th year student ng BS Information Technology, na nadismaya sa napakong pangako ni Mayor Natividad at sa kawalan ng aksyon ng administrasyon ng BulSU.
“Nakaka-disappoint kasi matagal na tayong nagaantay. Sa’n na napunta ‘yong pangako ni mayor? Bakit nakatunganga lang ang admin ng BSU sa isyu, dapat ‘di ba kinukulit nila si mayor about sa pangakong project. So aantayin pang may maaksidenteng indibidwal? Nakakatakot na lang.” pangamba ni Bunag.
Tulong-tulong. Ang usaping trapiko na ‘to ay hindi lamang suliranin ng City Government at adminsitrasyon ng BulSU. Malaking bagay pa ring nakapaloob sa isyung ito ay ang mga pedestrian, na kadalasang mga estudyante partikular na ang mga BulSUan. Kahit ano pang ihaing solusyon ng mga kinauukulan kung wala namang positibong tugon at kooperasyon ay hindi maisasaayos ang hinihiling na mas malapit na babaan at sakayan. Higit sa konkretong footbridge, ang simpleng pagsunod sa batas trapiko ay malaki nang kabawasan sa problema ng loading and unloading zones at ng tawiran ng mga estudyante papasok at palabas ng BulSU.
(with reports from Jeaneth Panti at Arlen Jane Dela Peña)