Pacesetter Vol XLI No. 1 Broadsheet Issue
Sa nakaraang 35 limang taon ay nakasanayan na ng mga residente ng Hagonoy at Calumpit sa lalawigan ng Bulacan na tumawid sa Hanging Bridge na may habang 142 metro na itinayo noon pang 1977, ngunit katulad ng isang bagay na palaging ginagamit, ang tulay ay unti-unti ring nagbago at humina.
Kalakip ng pagsisilbi nito ay ang nakaaawang nitong kalagayan na sa kabila ng matatag na pagseserbisyo sa mga taga-rito ay ang katotohanang wala na sa magandang kalagayan ang tulay, na sa anumang oras na magkaroon ng kalamidad o kahit na pagtaas lamang ng tubig ay ang paglutang ng panganib na maaaring maningil ng mga inosenteng buhay sa mga tumatawid dito. Sa bawat pagsikat at paglubog ng araw ay ang pagdaan din ng mga araw na nauupos at lumiliit ang pag-asang ipinangako para sa pagpapasaayos ng tulay.
Sa higit tatlong dekadang pagsisilbi ng tulay sa mga residente mula sa Calumpit na nais na magsimba at mamalengke sa Barangay Iba sa Hagonoy at ng mga estudyanteng taga-Hagonoy na nag-aaral sa elementaryang nasa Calumpit, naging piping saksi ang matandang tulay sa araw-araw na gawi ng mga residente.
“Malaking tulong sa ‘min ‘yong tulay na ‘to kahit sirang-sira na s’ya. Una sa lahat, napagdurugtong nito ‘yong dalawang baranggay, nalalapit din kami nito sa bayan at sa simbahan na rin pati sa mga estudyanteng ginagamit ‘to bilang alternative route,” salaysay ni Aling Emma, na hindi na binigay pa ang buong pagkakilanlan, 12 taon nang naninirahan malapit sa tulay.
Ngunit nito lamang ikatlo ng Marso, sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan, ipinaranas ng kalikasan ang ikatlong beses nitong pagsubok sa matandang tulay, kasabay ng malakas na ulan at malalaking agos na may kasamang tumpok ng mga water lilies ay ang pagkasira at pagbigay ng wooden girdle o ng gulugod ng tulay na siyang nagsisilbing suporta nito, dahilan upang bumitin at pumitik ang sampung talampakang bahagi ng tulay.
Natamo ng tulay ang pinakamalalang pagkasira nito noong 2011 sa kaniyang kasaysayan matapos ipatikim ng bagyong Pedring ang hagupit nito sa Pilipinas, partikular sa ilang bahagi ng Bulacan kung saan nakatirik ang hanging bridge.
Paliwanag ni Kapitan Celerino Fajardo ng Barangay Iba sa Hagonoy, ang barangay sa kabilang dulo ng hanging bridge, mayroon nang nakalaang limang milyong badyet para sa major repair ng sirang tulay. Ngunit hanggang sa ngayon, nananatiling papel ang perang dapat sana’y gagamitin nila.
“Minamadali talaga namin ‘yan [pondo] pero everytime na nagpa-follow-up kami sa provincial government, pina-follow-up pa rin naman daw nila sa national government, kaya puro minor repairs lang ang pwede naming gawin d’yan [sa tulay] dahil ‘yon lang ang kaya ng pera ng barangay,” dismayadong pahayag ni Fajardo, na tinutukoy ang pagtatapal ng malalapad na tabla at mga tubong pang-poso bilang pansamantalang suporta sa sirang bahagi ng tulay.
Sa mga request documents na hawak ni Kapitan Fajardo, nakasaad dito na naaprubahan ni Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado noon pang Oktubre ng nakaraang taon ang nasabing pondo ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin naibibigay sa kanila ito.
“Next month [Setyembre], inaasahan na nating maibigay na ng DBM [Department of Budget and Management] ang 640 milyong pondo para sa buong Bulacan, kasama lahat ng dapat na gawin sa probinsya, kasama rito ‘yong five million na para sa restoration ng tulay. Kung magiging smooth ‘yong pagbaba ng pondo, mabilis lang naman na magagawa ‘yan,” paglilinaw naman ni Governor Alvarado.
Pag-uusapan pa ng mga opisyal mula sa Provincial Works and Highways [PWH] ang pondong maibibigay sa gobyerno ng Bulacan kung ibibigay ito nang direkta sa mismong barangay ng Iba para gamitin sa pagpapagawa ng tulay o aakuin ng mismong opisina ng PWH ang pagpapagawa rito. Mapapaloob sa isang Memorandum of Agreement [MOA] na lalagdaan ng PWH at ng mga opisyal ng Local Government Unit na siyang tatanggap ng pera ang anumang mapagkakasunduan sa pag-uusap na ito.
Ayon pa kay Alvarado, dadaan ito sa regular na proseso ng construction kung sakaling mapagkasunduan na kung sino ang hahawak sa pondo. Kasama sa prosesong ito ang bidding kung kaninong constructor o kumpaniyang mamamahala sa pagpapagawa maibibigay ang proyekto, kasunod nito ay ang procurement o ang mismong pagbili ng mga kagamitan.
Samantala, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Bulacan, ang opisinang katumbas ng NDRRMC sa lokal na probinsya, hindi kayang akuin ng pondo ng probinsya ang pagpapagawa ng tulay dahil ayon dito, hindi naman nasira ang tulay dahil sa matinding kalamidad o disaster bagkus ay dahil sa katandaan ng tulay. Kung kaya kinailangan humanap ni Alvarado ng alternatibong pagkukunan ng pondo at ito nga ang pondong magmumula sa national calamity fund.
Sa pahayag ni Engineer Roland Nicolas, Engineer IV at head ng planning office ng Provincial Engineering Office (PEO) na siyang responsable sa maintenance ng mga istruktura sa buong Bulacan, for immediate repair and rehabilitation/improvement naman ang nakitang aksyon sa nasabing hanging bridge. Kasama sa planong ito ang pagbibigay ng PEO ng mga tabla at mga kahoy na pantapal sa mga bahaging sira sa tulay.
“For safety purposes talaga kaya for immediate repair ang ginagawa namin d’yan sa tulay kasi para rin sa mga taong dumadaan ‘yon. Para sa safety nila kaya makakapal ‘yong mga tablang ibinibigay sa kanila para kahit na pansamantala, matibay,” dagdag pa ni Engr. Nicolas.
Pansin ang ang pagbabago mula nang lumaki ang pinsalang natamo ng tulay, kasama na rito ang malaking kabawasan ng mga taong dumadaan dahil sa panganib na maaaring idulot ng mga sira.
“Kumonti talaga [ang dumadaan sa tulay]. Siguro kasi, natatakot sila [na dumaan sa tulay] dahil madilim d’yan, ‘pag gabi lalo na kung hindi mo kabisado ‘yong tulay, sa may gitna, butas ‘yon, sobrang delikado talaga. Pero wala [pagbabago], puro pangako at plano lang,” patunay ni Aling Emma na nagkusang loob nang lagyan ng ilaw ang tulay bilang kawang-gawa para sa mga residenteng dumadaan dito tuwing madilim na ang paligid.
Nilinaw naman ng kapitan ng Iba na wala pang insidente ng pagkamatay o pagkahulog ng kahit isang tao sa tulay pero may mga pagkakataong muntik nang mayroong mahulog. Kung kaya hindi lingid sa kamalayan ni Kapitan Fajardo ang panganib na dulot ng mahinang kalagayan ng tulay kaya naisip na niya pati sa sampu ng kaniyang mga kasama sa barangay na ipasara pansamantala ang tulay ngunit ang mga residente ang umalma sa planong ito.
“Kung isasara ‘yan, apektado kaming mga dumadaan d’yan. Iikot pa kami sa kabilang barangay para makarating sa kabila [Calumpit], hindi praktikal. Kapag d’yan, mas matipid [sa pamasahe],” pag-alma ni Aling Emma.
Ang pagtutol sa pagsara ng tulay ang nagtutulak kay Fajardo na magsumikap sa pagpapasagawa ng mga minor repairs sa tulay upang kahit papaano, habang hinihintay ang nakabiting plano, mapanatiling ligtas ito para sa mga nagdadaan lalo na ang mga residenteng kaniyang nasasakupan.
“Hihintayin pa ba natin na may mahulog [d’yan sa tulay] bago pa gawa’n ng aksyon? Kaya kung sakaling matuloy ‘yong major repair n’yang tulay, ire-request ko na gawing sementado para mas maging matibay at mas matagal magamit,” pagtatapos ni Kapitan Fajardo.