Ni Clarisse Inao
‘Wala ng batang mapapagal sa kata-trabaho’ - ang pangako ng United Nations (UN) noong 2002 sa pagtatatag ng World Day Against Child Labor kada Hunyo 12.
Isang dekada na ang lumipas buhat noong magsimulang magsulong ang UN ng iba’t ibang programa upang tuluyan nang matuldukan ang kultura ng child labor sa lahat ng panig ng mundo. Isang pangakong nailista at naipatupad sa papel. Tulad ng sa UN, malaki rin ang hamong kinahaharap ng Pilipinas sa tuluyang pagsawata sa child labor. Bilang isang lalawigan, hindi naiiwan ang Bulacan sa pagkakaroon ng mga suliraning katulad ng sa buong bansa.
Ayon sa tala ng National Statistics Office (NSO), mula sa bilang nitong 4.2 milyon noong taong 2001, lumobo ang bilang ng mga child laborer sa bansa sa 5.5 milyon ngayong taon. Nakapanlulumong 30 porsiyento pa ang itinaas ng kabuuang bilang nito matapos simulan ang pagsasawata ng child trafficking sa bansa.
Nahahati sa ibat-ibang kategorya ang mga child laborer. Sa kabuuang bilang ng mga child laborer ng Pilipinas, humigit –kumulang 3 milyong batang Pinoy ang nasa kategorya ng unconditional worst form o ang mga tipong trabaho kung saan nasa hindi magandang kalagayan ang pisikal at mental na kalusugan ng bata. Habang ang natitirang bilang ay nasa kategorya ng agrikultura, industriya, pagmimina at quarrying, mga kasambahay at nasa pamamalimos at pamamasura.
Kung may iba’t ibang kategorya ang kanilang mga trabaho, may iba’t ibang mukha rin at kuwento ang kaso ng child labor sa Bulacan. Isa rito si ‘Nene’ , hindi niya tunay na pangalan, 8, kabilang siya sa kategoryang huling nabanggit, isa siya sa mga namamasura sa pamilihang bayan ng Malolos at isa sa mga nag-a-alok ng sampaguita o ‘di kaya ay pu-puwesto sa tapat ng Basilica Minore at doon ay ilalahad ang kaniyang palad.
“Minsan po walang kita [ang mga magulang], kaya kailangan po namin ‘to [magtrabaho] para may pambaon,” kuwento ni Nene.
Sa 5.5 milyon na bilang ng child laborers sa bansa 70 porsiyento o 2.1milyon nito ay nagpapatuloy pa rin sa kanilang pag-aaral sa kabila ng pagbabanat nila ng buto.
Walang hanap-buhay ang kaniyang ina at tanging ang pamamasura nga lamang ang pinagkukuhanan ng kabuhayan ng kanilang pamilya. Ang pagtitinda ng sampaguita, pamamalimos at minsang pamamasura ni Nene ang ginagamit niyang pang-agapay sa pag-aaral n’ya at ng kaniyang mga kapatid at maging ang kaunting tulong para sa panggastos ng pamilya ay kasama na rin sa kaniyang kinikita.
“Okay lang naman po sa akin ‘yon [ang pagta-trabaho], pero minsan nai-inggit po ako sa mga kaklase ko, kasi kahit ‘di sila magtrabaho, nakakapag-aral pa rin sila, may baon pa rin sila. Sabi naman po ng mama ko, okay lang po ’yon [ang pagtatrabaho], kesa naman po magnakaw kami,”pagpapatuloy ni Nene.
Gaya ni Nene, may iba ring bata na dumaranas ng ganitong kapalaran. Maging si ‘Mar’, hindi rin n’ya tunay na pangalan, 13, isang batang maninisid sa Isla Barangay Pamarawan. Sa kabila ng kaniyang edad ay kasalukuyan pa rin siyang nasa ika-apat na baitang. Tulad niya, ang kanilang padre de pamilya ay umaasa lang din sa pagsisid sa kabya, tahong, talaba at iba pang mahuhuli sa dagat.
Itinataya ni Mar ang kaniyang kaligtasan sa pagpalaot sa dagat upang kumita ng pera na kaniyang ipantutulong sa kanilang pamilya. Nagkakasugat-sugat ang kaniyang munting katawan sa tuwing sisisid siya ng ikabubuhay nila. Sa punto ng buhay na ito ni Mar, nais n’yang makatapos ng pagaaral ngunit hindi n’ya rin kayang talikuran ang kan’yang hanapbuhay.
“Okay na po ako dito, para makatulong na rin po [sa magulang ko], bahala na,” and tanging nasambit ni Mar ng itinanong sa kanya kung bakit siya patuloy na nagta-trabaho at kung itutuloy niya pa rin ito sa mga susunod na taon.
Idiniin ni Provincial Social Welfare Development Office (PSWDO) Chief Rowena Joson-Tiongson ang kawalan ng disenteng trabaho ng mga magulang at kahirapan bilang pinaka-ugat ng pagkakaroon ng child laborers.
“Kapos ang kinikita ng mga magulang para sa basic needs ng kanilang pamilya, iyon ang riyalidad,” pagdadahilan ni Tiongson.
Ganoon rin ang opinyon ng Focal Person ng Kalinga sa Batang Manggagawa Program ng Bulacan na si Community Affairs Officer I, Mary Grace Crisostomo, “Sila ‘yong nagsa-sacrifice, ‘yong everyday na ginagastos ng pamilya, ‘di nasu-sustain kaya sila ‘yong gumagawa ng paraan. “
Mula ng maluklok si Gobernador Wilhelmino Sy-Alvardo hanggang sa taong kasalukuyan ay mayroong kabuuang bilang na 1,063 identified cases ng mga child laborers dito sa Bulacan. Ito lamang ang bilang ng batang nasa worst forms ng pagta-trabaho, liban pa rito ang bilang ng mga batang nasa ibang anyo ng pagta-trabaho.
“Since 2010 nangangalap na kami ng mga data, nagpo-profile na ang aming mga community officers at ang kinukuha pa lang namin ay ‘yong worst form, hindi pa nato¬-total lahat,” pangangatwiran ni Crisostomo.
Ang tanging sandata ng Bulacan sa pakikipaglabang ito sa child labor ay ang profiling and updating of records, kung saan ang mga magulang ng identified child laborers ay binibigyan ng iba’t-ibang livelihood trainings at pahihiramin ng Php2,000 bilang puhunan sa pagsisimula ng negosyo at unti-unti nila ‘tong babayaran sa paglago ng negosyo.
“Iyong profiling and updating of records and ‘yong skills training, at pagbibigay puhunan, para ‘yong mga magulang na man ang pumalit sa trabaho ng kanilang mga anak,” paliwanag ni Tiongson.
Samantala, ang mga bata ay pinababalik sa pag-aaral at ang tuloy-tuloy ang pag-update sa records nila hanggang sa sila ay umabot sa edad na 18.
Ayon din kay Tiongson, nababago ang bilang ng mga child laborer dahil ang mga batang ito, sa paglipas ng panahon ay umaabot na sa legal na edad na pagtatrabaho. Lumalabas na sila sa ‘border’ ng pagiging isang child laborer.
Ang mga batang ito ay mayroon ding mga karapatan alinsunod sa United Nation Children Fund. Sila ay may karapatang mahalin, alagaan, mabigyan ng edukasyon, maging malaya, magkaroon ng ‘guardians’, magkaroon ng mga pangarap at iba pang karapatang hindi susupil sa kanilang pagiging bata.
“Kumikita po kami, pero sana po isang araw, hindi na kami mamamalimos o kaya magtitinda para lang magkapera,” panghuling hiling ni Nene.
Walang kasiguruhan ang mga hakbang ng pamahalaan kung tunay na nga bang mabibigyan ng laya sa pagpapagal ang mga batang tula nila Nene at Mar at kung mapapagbigyan pa ang mga kahilingan nila. Nawa ay ‘di sila paglipasan pa ng panahon at wala ng batang sumunod pa sa kanilang henerasyon.
(With reports from Eruel Geronimo)