Ni Midnyt.solitaire
Binuksan ko ang bintana upang makapasok sa bahay ang hangin na umiihip nang marahan sa labas. Sumulyap ako sa paligid at namangha ako sa pag-aagaw ng dilim at liwanag. Hindi magtatagal, sa edad kong ito, darating ang oras na puro liwanag na lamang ang makikita ng aking mga mata. Malapi t na rin akong mamahinga. Maya-maya lamang bago sumikat ang araw ay darating na ang mga bisitang hinihintay ko. Habang naghihintay ay natanaw ko ang larawan ni Inay na nakasabit sa pader. Tinitigan ko ito ng ilan pang segundo at napansin kong kamukhang-kamukha s’ya ng aking nagiisang anak na babae. Bigla na lamang nangilid ang luha sa aking mga mata. Ilang saglit pa, unti-unting sumasariwa sa aking isipan ang mga sakripisyo n’ya upang suportahan ako, gayon rin naman ang sikretong ipinasa n’ya sa’kin upang masuportahan ko rin ang aking nag-iisang anak. At doon ko natutunang tanggapin na hindi s’ya masama, na hindi s’ya demonyo katulad ng sinasabe ng mga tao sa baryo namin noon... *** "Aswang! Aswang ‘yang nanay mo! Umalis ka nga dito! Anak ka ng demonyo!" |
“Hindi! Hindi ‘yan totoo! Sinungaling ka! Sinungaling kayo!”
Naglalakad akong umiiyak at nakayuko habang patuloy sa pangungutya ang mga kaklase ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang pakikitungo nila sa akin at sa aking Inay. Pakiramdam ko, wala na 'kong mukhang maihaharap sa kanila kahit naniniwala akong hindi naman totoo ang kanilang mga paratang. Sa araw-araw na pagpasok ko sa eskwela, palagi na lamang nila akong hinihiya. Kung anu-anong mapanirang salita ang binabato nila sa akin, sa amin ni nanay. Pawang masasakit tanggapin at nakakatakot isipin.
Hindi rin ako nakaligtas sa mga magulang nila, “Mag-inang dyablo raw kami ni inay.” Masakit sa akin dahil kami na lang dalawa ang magkasama sa buhay at ginagawa n’ya ang lahat para mairaos ang buhay namin sa araw-araw at pati na rin ang pagaaral ko. Kung hindi ko iisipin ang lahat ng paghihirap ni Inay para makapag-aral ako, hindi na talaga ako papasok dahil sa inaabot kong pantutuya sa eskwelahan. Ayoko na. Ayoko na talaga sana…
Hindi ko naman lubos maisip kung saan nagmumula ang mga paratang nila. Bakit palagi nilang sinasabi na aswang si Inay? Ano ba ang nagawa n’yang masama? Ano ba ang kasalanan n’ya para kutyain s’ya ng gano’n? Wala. Wala akong mahanap na sagot sa mga katanungan na maya’t maya ay gumugulo sa aking isipan. Ni minsan ay hindi naman ako nagtangkang alamin ang rason nila. Walang dahilan upang usisain ko si Inay dahil ako ang anak n’ya at ako ang tunay na nakakikilala sa kanya. Sino ba sila? Wala silang karapatan. Basta hindi masamang tao ang nanay ko, hindi s’ya Aswang, at lalong hindi sya Demonyo.
***
Isang gabi ay naalimpungatan ako sa pagtulog nang marinig ko ang isang mahinang iyak. Tingin ko ay mula ito sa isang babae. Sumulyap ako sa orasan. Alas-singko pa lamang ng madaling araw. Masyado naman yatang maaga para magkaroon kami ng bisita? Halos hindi pa nga sumisikat ang araw. Muli kong narinig ang iyak.
Sa pagitan ng mga impit na hikbi ay tila nagmamakaawa siya habang inaalo ng isang boses lalaki naman. Dahil sa labis na pagtataka, bumangon ako mula sa kinahihigaan. Unti-unti akong humakbang at sumilip sa nakaawang na pinto malapit sa kusina. Natanaw ko si Inay kasama ang isang babae at isang lalaki.
“Bakit dalawang libong piso lang ‘to? Makapit na ‘yan kaya nahirapan ako,” sambit ni Inay.
“Sa susunod na lang ho ‘yong kulang na bayad, alam n’yo naman hong estudyante lang kami,” pagpapasensya ng lalaki.
Dugo! Maraming dugo ang nakita ko. Duguan ang babae! Hindi nga kaya aswang si inay? Sinaktan ba n’ya ‘yong babae? Totoo kaya ang sinasabe nila!? Naguguluhan ako!
***
Alam kong hindi ko na dapat pang balikan ang mga pangyayaring naganap apat na dekada na ang nakalipas. Ngunit hindi ko maiwasan. Sa tuwing naiisip ko ang naging kahihinatnan ng buhay ko matapos akong tumigil noon sa pag-aaral, hindi ko mapigilang malungkot at maalala ang lahat.
Ginawa n’ya ‘yon para sa akin. Hindi bahay kundi kaluluwa ang isinanla n’ya sa impiyerno upang mapatunayan n’yang mahal n’ya ko. Naiintindihan ko na s’ya, at sana maintindihan din ako ng iba.
Natuldukan ang pagbabalik-tanaw ko nang may kumatok sa pinto. Pagbukas ko nito, bumungad sa akin ang dalagitang sa tantya ko ay disi-siete anyos at isang binatang ‘di nalalayo ang edad. Sila nga ang hinihintay ko.
"Ilang buwan na 'yan? Mukhang makapit na ah.”