Nina Jane Tricia Cruz at Irvin Ian Pacheco
Ang pormal na edukasyon ay sa eskwelahan nakikita, kaharap ang pisara at ang guro na magiliw na nagtuturo sa mga mag-aaral n’ya
Ang pormal na edukasyon ay hindi lang sa eskwelahan nakikita, kahit kaharap ang mataas na pader at ang malamig na rehas ay magiliw pa rin na nagtitiyagang matuto upang mapunan nag gutom na isipan na salat sa kamalayan.
“Inaamin ko, pariwara ako,” ani Ron, hindi niya tunay na pangalan, isang 18 taong gulang na sa murang edad ay nakakulong na sa Bulacan Provincial Jail. Hindi siya pinalad na makatuntong at makapagtapos ng elementarya no’ng nasa labas pa siya ng kulungan kung kaya’t sa murang edad ay naimpluwensyahan siya kaagad ng mga kabarkada sa pagbibisyo at kalauna’y sa paggawa ng mga bagay na labag sa batas upang mabuhay.
“Pagkapasok ko dito [BPJ], naisip ko, wala na talagang pag-asa para sa akin,” pag-alala niya.
Katulad din ni Ron, karamihan sa mga bilanggo ng BPJ ay ‘di nakapagpagtapos ng pag-aaral at ang ilan pa nga ay ‘di nakatanggap ng kahit anong pormal ng edukasyon sa labas ng malamig na rehas. Ang problemang ito ang nagtulak sa Bureau of Alternative Learning System upang pasimulan ang Alternative Learning System (ALS) Program, isang programa na magbibigay pag-asa sa mga kabataan na hindi nakapag-aral, mga katulong, batang manggagawa, mga salat sa buhay at lalong-lalo na ang mga batang nasa loob ng piitan na magkaroon ng pormal na edukasyon na mahirap abutin para sa mga katulad nila na tila pinagkaitan ng magandang kinabukasan.
Taong 2006 ay pinasimulan sa BPJ ang ALS at hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong isinasagawa upang mabigyan ang mga kabataan at ibang mga bilanggo ng oportunidad batay sa kanilang kakayahan, interes at kapasidad upang mapaunlad ang kanilang kaalaman pagdating sa edukasyon. Ang programa ring ito ang naging bagong pagasa ni Ron upang palawakin at paunlarin ang kaaalaman base sa mga itinuturong asignatura sa ALS.
“No’ng nalaman kong may ganitong programa na puwede makapag-aral ulit, hindi na ‘ko nag-dalawang isip pa, kinuha ko ‘yong oportunidad na ‘yon,” masayang paglalahad ng binatilyo.
Sinisimulan ang pagpili sa mga maaaring sumailalim sa programang ito sa pamamagitan ng Alternative Learning System Accreditation and Equivalency Test (ALS A&E), isang pagsusulit sa elementarya at sekundarya na susukat sa kakayahan at potensyal ng taong kukuha nito. Basehan rin ito upang bigyan ng karampatang atensyon sa pag-aaral na magmumula sa ALS curriculum.
Ang mga hindi pumasa ay isinasalang muli sa isang review test at magkakaroon lamang ng tsansang sumabak sa susunod na A&E test ang mga papasa na mayroong grading na 70 pataas. Kinapapalooban ang pagsusulit ng mga karaniwang tanong sa iba’t-ibang pangunahing asignatura katulad ng Matematika, Ingles, Agham at Filipino. Dumaraaan ito sa masusing proseso ng pagpili batay sa mga markang kanilang makukuha at maging sa sanaysay na siya ring bahagi ng eksaminasyon.
Dalawang taon matapos buksan ang programa sa BPJ ay nagsimulang makipagtulungan ang Bulacan State University (BulSU). Regular na nagpapadala ang BulSU ng tagapagsanay mula sa iba’t-ibang faculty na bihasa sa Flower Arrangement, Cellphone Repair, Automotive at Basic Electronics, at iba pang teknikal na kurso. Inihahanda rin naman ng mga tagapagsanay na ito ang ilan sa mga nagsipagtapos ng ALS upang sila naman ang magturo sa mga susunod na tatangkilik sa programang ito.
“This is one of my advocacies, to assist people to study inside the jail, ‘yong iba naman kasi do’n hindi naman napakasamang tao, we’d like to provide them an inspiration and hope, ‘yong hope na paglabas nila dito, may kinabukasan pa sila, so we are assisting them in terms of education, kasi ang pinakamahalagang assistance ay education,” ani BulSU President Mariano de Jesus.
Mula sa mga tagapagturong ipinapadala ng BulSU na kaugnay ng Extension Services ng unibersidad, boluntaryo silang nagbabahagi ng kanilang mga kaalaman at kasanayan sa mga bilanggo kasama ng ibang mga presong may potensyal na magturo dahil sa antas ng edukasyong mayroon sila bago pa man sila nasadlak sa piitan. Sa tulong ng module na inihanda ng ESO gamit ang mga batayang mula sa DepEd, nagsisilbi nila itong gabay sa pagtuturo at ang pagkakaroon nila ng misyong tulungan ang mga kapwa nila ka-kosa.
“No’ng una mahirap, hindi mo kasi sila kilala, nakakatakot kasi iniisip ko preso nga sila pero mali ako, mababait sila. Okay ‘yong pagaaral nila at mas maganda pa ngang magturo sa jail lalo na sa mga may edad, madali silang turuan, interesado talaga sila,” saad ni Jonathan Punto, Trainor ng Automotive mula sa College of Industrial Technology.
Kaugnay nito, ang mga guro sa BulSU na siyang kusang loob na nagtuturo ay nakatatanggap ng tinatawag na service credit kung saan ang oras na kanilang ginugol sa kulungan ay maaaring ibawas sa oras ng kanilang pagtuturo sa unibersidad.
“Iyong pinagkukuhanan namin ng trainor sa Maynila ay hindi naman naglalabas ng pera so what I did was lumalapit ako sa Optimist International Malolos Chapter, sila ang nagbibigay ng honoraria sa mga trainors at ka-partner rin namin sila sa project na ‘to,” sambit ni Dr.Restetita Francisco, Direktor ng BulSU-Extension Services Office.
Sa 2,000 bilanggong nakapiit sa BPJ, 119 sa kanila ang pinalad na mapasailalim sa ALS ngayong taon. Dalawang beses lamang sa loob ng isang linggo ang kanilang pasok at ang programa ay tumatagal ng apat na buwan (mula Hunyo hanggang Oktubre). Ang pagtatapos ng mga sumasailalim dito ay nakadepende pa rin sa ibababang resulta ng DepEd upang magkaroon ng mas maayos na paghahanda ang mga bilangguan sa mismong araw ng pagtatapos.
Sa isinagawang pagtatapos sa Bulacan Provincial Jail (BPJ) noong nakaraang Hunyo 14, 119 ang mapalad na nagsipagtapos sa ikalimang batch ng ALS. Binigyan ng parangal ang 33 mag-aaral na tumanggap ng diploma para sa elementary at high school program at isa na rito si Ron, samantala 69 naman ang tumanggap ng mga sertipiko na patunay na dumaan sila sa tama at wastong pag-aaral at pagsasanay sa mga teknikal na kursong handog ng ALS.
“Paglabas ko dito magha-highschool ako. Kung kaya pa, magka-college din ako, ang prinsipyo ko ngayon ay makatapos ng pag-aaral,” pagpapatuloy ni Ron.
Kung noon ay sinayang niya ang pagkakataon na mag-aral noong nasa labas pa s’ya ng kulungan dahil sa pagtakas n’ya sa klase o sa hindi n’ya pagpasok ay iba na ngayon dahil sa determinado na siyang niyang magbago at iwan ang dating magulo niyang buhay. Ipinagpatuloy niya ang pagaaral sa loob ng piitan at pinatunayan sa iba na kaya niyang magsimulang muli.
“Nakita nila ‘yong importansiya ng pagiging graduate either elementary or highschool, no’ng nasa labas sila ng kulungan hindi nila nalaman ‘yong kahalagahan ng edukasyon, nang sila ay napunta sa loob ng bilangguan, nagkaroon sila ng pananaw na ang edukasyon ay ang pag-asa ng bawat isa,” pagdiriin ni Dr. Francisco.
Sipag at tiyaga: ang dalawang sangkap na ginamit ni Ron upang gawin ang lahat ng makakaya para makapagtapos. Hindi naging hadlang ang sitwasyong kinasasadlakan niya upang lumiko at tahakin ang matuwid na daang matagal din niyang hindi natagpuan.
“Magsikap lang nang magsikap. Kung hindi nagawa no’ng una, subukan ulit. Tiyaga lang ang kailangan at matatamo rin ang inaasam na pangarap,” isang payo mula kay Ron para sa mga kapwa ka-kosa, Bulacan - Alternative Learning System Batch 2012, Class Valedictorian.