Ni Jasmin Tan
Sa bawat pagpatak ng mapapait na luha
Ang pagbulong ng mga nakabibinging himig
Ninanakaw ang katinuan sa kaibuturan
Nilalaslas ang mga piraso ng basag na damdamin
Hindi alam kung saang dako ba lilingon
Gayong puro dilim naman ang natatanaw
Hindi alam kung ano’ng dapat pakinggan
Garalgal nilang boses ay humihina, lumalakas
Unti-unti’y tila nakulong na ang isipan
Sa bugso ng galit, lungkot at pagkabigla
Puso’y umiindayog sa saliw ng kabilang buhay
Nakagapos sa pagsisisi at panghihinayang
Kung maaari lamang iatras ang kamay ng orasan
Hindi titigil sa paghabol, madapa o mapagod man
Isang huling kaway para sa isang minamahal
Na ritmo ng paghinga’y kasabay na noon pa
Kami’y sumasaludo sa angkin mong katapangan
Sa ‘yong sakripisyong dumurog sa ‘ming lahat
Sa malabong pahina ng makapal nang aklat
Maililimbag din ang wakas ng iyong kasaysayan
Paalam Arel, ika’y nasa payapang lugar na
Liwanag ay sisilay rin, maaari ka nang magpahinga