Ni Binibining Simang
Akala ko...
Kapag may takip lang sa mukha,
Kapag sa gabi lang dahil takot sila sa umaga,
O ‘di kaya’y mabilisang hablot lang...
Hindi pala...
Pwede rin siyang nakasuot ng barong,
Kahit wala namang kasal...
Pwede rin palang nakaupo,
Papirma-pirma sa umaga...
Wala pang gaanong pawis,
Sa opisinang de air con pa...
Akala ko...
Kapag may takip lang sa mukha,
Kapag sa gabi lang dahil takot sila sa umaga,
O ‘di kaya’y mabilisang hablot lang...
Hindi pala...
Pwede rin siyang nakasuot ng barong,
Kahit wala namang kasal...
Pwede rin palang nakaupo,
Papirma-pirma sa umaga...
Wala pang gaanong pawis,
Sa opisinang de air con pa...