Ni Swann
Simulan na ang giyera ng pwesto
Pati ang paligsahan ng pahabaan ng pasensya
Magbaon na rin ng pagkain at tubig
Upang makatagal sa pila.
Dala-dala ang perang hindi ko alam kung sa’n inutang,
At pag-asang pagkatapos nito’y ako’y mag-aaral
Titiisin ko.
Isang minuto, dalawa, tatlo…
Nainip na ako.
Sumama sa barkada at pag-uwi,
Simot ang bulsa
Saba’y sabing, “Nay, naka-enroll na ako.”