Ni Syntax Error
Ikaw ang haligi ng tahanan
Ngunit ikaw ang naunang bumitaw
Ikaw na dapat ay pundasyon
Ngunit ikaw pa ang hindi tumutugon
Ikaw na dapat ay matatag
Na dapat ay hindi matitinag
Ano'ng nangyari?
Pinundi ang ilaw ng tahanan
Sinaktan ang mura nilang katawan
Ingat ka Papa
Pinagtanggol ko lang sila
Hindi mo na kami masasaling
D'yan ka na lang sa 'yong bagong higaan
Kung saan 'di mo kami maaabot
Anim na talampakan sa ilalim ng lupa
Ikaw ang haligi ng tahanan
Ngunit ikaw ang naunang bumitaw
Ikaw na dapat ay pundasyon
Ngunit ikaw pa ang hindi tumutugon
Ikaw na dapat ay matatag
Na dapat ay hindi matitinag
Ano'ng nangyari?
Pinundi ang ilaw ng tahanan
Sinaktan ang mura nilang katawan
Ingat ka Papa
Pinagtanggol ko lang sila
Hindi mo na kami masasaling
D'yan ka na lang sa 'yong bagong higaan
Kung saan 'di mo kami maaabot
Anim na talampakan sa ilalim ng lupa