Newsletter Issue Vol. XL No. 2
Ni Jizelle Jumaquio
“Hindi alam ni Juan dela Cruz kung saan papunta ang jeepney. Sa tingin niya ay naliligaw na sila kasi kanina pa lilinga-linga sa paligid ang driver, mukhang ‘di rin alam kung nasaan na sila. Simula kasi ng lumiko sila ay kung saan-saang shortcut na dumaan ang jeep, kung anu-anong detour na ang pinatulan ng driver. Kanina pa sila wala sa tuwid na daan, alam niya ‘yon kahit pa sa simula ng biyahe ay ipinangako ng driver na d’on lang sila lalagi…”
Kumpara sa mga nakaraang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo, ang kanyang pangatlo ang pinakainabangan dahil na rin sa mga pangyayaring naganap sa bansa bago ang ika-23 ng Hulyo. Ang pagkakatanggal kay dating Chief Justice Renato Corona, ang kontrobersya sa Reproductive Health (RH) Bill at iba pang mga isyu na hinihintay ng sambayanan ang panig ng pangulo ang siyang nakadagdag sa antisipasyon ng mga tao sa loob at labas ng Batasang Pambansa.
May pumuna, may pumuri, may ‘di pinansin. Kulang, sobra, walang pakialam. Iba-ibang reaksyon, iisang kapakanan ang nasa isip: ang kay Juan dela Cruz.
Report kay boss
Unang Ipinagmalaki ng pangulo ang pagtatamo ng bansa sa ika- walong pagkakataon ng positive credit rating action na ibinigay ng Standard and Poor’s, isang institusyon na nagbibigay ng impormasyon na makakatulong sa paggawa ng hakbang sa investment.
Bukod pa rito ang 44 na beses na all- time high sa Philippine Stock Exchange. Kaakibat din ng ulat ni Pnoy ang 6.4% GDP growth ng bansa sa unang apat na buwan ng 2012, isang epekto ng paggastos ng pondo ng pamahalaan. Matatandaang noong nakaraang taon, ang GDP ng bansa ay pumalo lamang sa 3.9% dahil diumano sa
pagbabawas ng gastos ng pamahalaan dahil sa kakulangan ng pondo.
Bakas rin sa SONA ang kasiyahan ng pangulo sa itinatakbo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program na nagtala ng tatlong milyong benepisyaryong pamilya Pebrero pa lang ng kasalukuyang taon, isang napakabilis na progreso para sa 3.1 milyong target ng pamahalaan sa pagtatapos ng taong ito.
“Pangmatagalan po ang impact ng proyektong ito. Hindi pa kumpleto ang mga pag-aaral, pero ngayon pa lang, maganda na ang ipinapakita ng numero. Base sa listahan ng DSWD, may 1,672,977 na mga nanay na regular nang nagpapacheck-up. Idagdag pa natin, 1,672,814 na mga batang napabakunahan laban sa diarrhea, polio, tigdas, at iba pa. Four point fifty-seven million na estudyanteng hindi na napipilitang mag-absent dahil sa kahirapan,” pagbibigay diin pa ng pangulo. Karugtong nito ay ang pagiging miyembro ng PhilHealth ng 85% ng lahat ng mamamayan, kung saan ang pinakamahihirap na kabahayan naman ay nakatitiyak na walang gagastusing anuman bilang mga benipisyaryo nito.
Bukod sa mga nabanggit ay marami pang inihayag na magagandang datos ang pangulo tungkol sa positibong resulta sa iba pang sektor ng lipunan ng tamang pamamahala. Mga bagay na masarap isipin kung hindi sa pag- ahon ng isyung luma at mali diumano ang ilan sa mga numerong ito.
Kalokohan ng maling datos
“Puwedeng nagkamali siya [sa pagbigay ng datos sa empleyo] o mali ang datos na ibinigay sa kanya. Pero kung maalala natin halos ikatlong taon na ito sa napakasusing datos ng unemployment ay mali-mali ang ulat ng pangulo. Parang ang hirap paniwalaan na hindi siya natututo roon. Kaya para sa amin, sadyang nagbibigay ng maling larawan sa kalagayan ng kawalan ng trabaho ang pangulo upang ipalabas na may pag-angat sa buhay ng mga mamamayan.”
Ito ang naging pahayag sa Pinoy Weekly ni Sonny Africa, isang ekonomista at executive director ng Ibon Foundation, isang institusyon na nagsasagawa ng mga pag- aaral sa mga napapanahong isyung panlipunan, politikal, at ekonomikal ng iba’t- ibang bansa.
Matatandaang inilahad ng pangulo na nakalikha ang gobyerno ng 3.1 milyong trabaho sa nakalipas na dalawang taon, subalit ayon kay Africa mayroon lamang kabuuang 2.4 milyong trabaho ang nalikha mula Abril 2010 hanggang Abril 2012. Ayon diumano ito sa datos ng gobyerno na kanilang mino- monitor. Iginiit pa niyang karamihan ng nalikhang trabaho ay kabilang sa Business Process Outsourcing, na nagresulta sa pagtaas ng bilang ng part- timers na umokupa sa 43% labor force ng bansa.
Bukod dito ay naging kwestiyonable rin para kay Senate Minority Leader Allan Peter Cayetano at sa ilan pang miyembro ng kongreso ang sinabi ng pangulong bumaba ang kriminalidad sa bansa, na ayon sa kanya ay hindi ang nakikita n’yang sitwasyon sa kasalukuyan.
“Allow me to point out that it does not mean that the President is not aware of the state of the nation—far from it. What the President was showing was the general downtrend of crime rate especially in particular areas,” depensa ni Palace Deputy Spokesperson Abigail Valte. Ipinaliwanag rin niyang ginamit ng pangulo ang datos para sa taong 2011 dahil hindi pa kumpleto ang para sa taong 2012. Gayunpaman, mataas lamang diumano ang kriminalidad sa Metro Manila subalit mababa sa kabuuan ng bansa.
Kung susuriin ay may katuwiran, subalit matatandaang ginamit din ng pangulo ang hindi kumpletong datos ng GDP ng bansa para sa taong 2012 bilang pamantayan ng kaunlaran. Nagdulot ito ng pagtataka sa ilan, na humantong sa konklusyong ang SONA ay isang ipinintang larawan lamang ng ‘kasalukuyang kalagayan’ at hindi ng patutunguhan ni Juan Dela Cruz.
Nanaig pa rin si politiko
“There are those who will criticize him for omitting some items in his speech. These people should remember that it would be impossible to cram all the solutions to our myriad problems in one speech,” ito naman ang pananaw na sinabi sa Tribune.net ni Palawan Representative Antonio Alvarez, na isa sa mga naniniwalang nailatag nang maayos sa SONA ang mapa ng tatahaking tuwid na landas ng mga Pilipino.
Isa sa mga planong ito ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines, na ayon sa pangulo ay napaglaanan na ng 28 bilyong pondo sa nakalipas na isang taon at pitong buwan, “Bumubuwelo pa lang po tayo sa lagay na ‘yan. Kapag naipasa na ang panukala nating AFP Modernization Bill sa Kongreso, makapaglalaan tayo ng pitumpu’t limang bilyong piso para sa susunod na limang taon.”
“Nakakatuwa dahil inaaksyunan na n’ya ito [kakulangan sa kagamitan ng AFP]. Maraming presidente na kasi ang nagdaan ngunit walang gaano bumili [ng gamit] para sa militar,” komento ng BulSUan na si Edjay Ralph Hernandez mula sa III- Guijo, LHS.
Prayoridad rin ng pangulo ang pagpapasa ng Sin Tax Bill, isang panukalang batas na kung maipatutupad ay magbibigay ng 32 bilyong kita/buwis sa pamahalaan. Hayagang inendorso ito ng pangulo, na ikinatuwa ng ilan subalit ikinabahala rin ng iba dahil sa diumano’y banta nito sa industriya ng tabako ng bansa.
Samantala ay pinuna ang ‘di malinaw na posisyon ng pangulo sa pagpapasa ng mga panukalang batas na Freedom of Information Bill (FOIB) at Reproductive Health (RH) bill. Pero kung ang pahaging na pagtukoy sa huli ay ipinagpalagay ng karamihan na indirektang suporta ng pangulo rito, ang pananahimik na naman ni PNoy tungkol sa FOIB ay ikinadismaya ng mga nagsusulong nito at maging ng mga mamamayan.
“Dapat binigyan ito [FOIB] ng atensyon ng ating pangulo kasi karapatan nating lahat malaman kung paano ba ginagastos ng mga opisyal ang pondo na nakalaan para sa bayan,” ani Kenneth Brian Garcia ng BSCOE- 3A.
Balanse naman ang naging pananaw ni Rosanne de Celis ng BSCE 3B, “Kung iyon ang sa tingin nilang makakabuti sa bansa, pabilisin na dapat ang pagsasabatas at kung hindi naman hindi na dapat pagsayangan pa ng oras, parang additives lang naman kasi ang mga bill na ‘yon kaya dapat bigyan na kaagad ng desisyon.”
Ayon sa boss sa unibersidad at lansangan
Bilang isang bansa na naniniwalang ang kabataan ang pag- asa ng bayan ay isa sa pinaka- abangan sa talumpati ni Pnoy ang alokasyon sa edukasyon, lalo na para sa mga State Colleges and Universities (SUCs) gaya ng BulSU. Hindi naman nabigo ang mga estudyante dahil magkakaroon daw ng 43.61% increase sa budget para sa 2013. Malaki at substansyal kung susumahin kaya ang hiling ng mga estudyante ay sana subtansyal din ang makita nilang progreso.
“Sabi n’ya [PNoy] makukumpleto na raw ang mga classrooms sa susunod na taon. Kaya aabangan ko kung matutupad ‘yon,” ani Ryan Sulit ng BSGE 2A, na tinutukoy ang pangako ng presidente na pag- ubos sa mga backlog sa edukasyon. Kabilang rito ang kakulangan sa mga aklat at upuan na ipinangakong wawakasan bago matapos ang taon, at ang backlog sa mga classroom na sosolusyunan bago matapos ang susunod na taon.
Ilan pa sa mga inilatag na tutugunan ng pamahalaan ay ang pamamahagi ng mga lupain ng magsasaka bago matapos ang termino ni PNoy, ang pagsasaayos at pagpapagawa ng mga bagong paliparan, ang kakambal na ng SONA ni PNoy na paghuli sa mga tiwali at korap, at marami pang iba.
Sa isang survey na isinagawa ng Pacesetter, 7 sa 10 estudyante ang nagsabing nasiyahan sila sa mga inilahad na pag- unlad at plano sa ikatlong SONA ni Pnoy, “Sa tingin ko maganda ‘yong mga sinabi n’ya sa SONA. ‘Yon nga lang maraming mga bulong- bulong d’yan sa paligid na sinasabing ‘kulang’ at ‘’di sapat’ ‘yong mga nilahad ni Pnoy. Pero para sa’kin, sadyang nakakagaan ng loob na slight na umasenso ang Pilipinas dahil sa kanya. Sa huli masiyahan na lang tayo na he’s not like others na matatawag nating kurakot,” ani Jasmin Trinidad, BAMC Major in Broadcasting 3A.
Samantala, 3 naman sa 10 ang nagsabi na hindi nila nagustuhan o nakulangan sila sa mga inilahad ng pangulo, “Marami kasi sa mga sinabi ni PNoy hindi pa nakikita o nararamdaman ng masa, at halos puro pagsira lang sa dating administrasyon lang ang sinabi n’ya,” tugon naman ni Ma. Catherine Cordero ng ECE-5D.
Tuwid pa ba ang daan?
Sa huli ay hindi muna siguro dapat sukatin ang pag- unlad sa dami ng proyekto, sa mabulaklak na mga papuri ng ibang bansa, sa laki ng badyet, o sa layo ng narating ng mga Pilipino. Wala ring saysay ang pagmamadali kung sa kasagsagan ng b’yahe ay makailang ulit masisiraan o maliligaw ang sasakyan mo. Paniniwalain ka ng drayber sa mga bagay na hindi naman pala totoo para lang maging kampante ka sa kinauupuan mo.
Masarap makitang sa kabila ng dahan- dahang pag- usad, may patutunguhan naman pala gaano man kahaba ang kalsadang dinadaanan. Maging sa daang matuwid o nagtutuwid-tuwiran lang.
“’Tiwala ka lang,’ sabi ng nakasalaming driver nang tanungin niya kung saan ba sila papunta. Gusto niyang magtiwala sa kanya, gusto niyang maniwala sa kanya. Sana nga tama ang driver..."