Newsletter Issue Vol. XL No. 2
Nina Jesson Lagman and Russel Jay Manglicmot
Korni ang istorya ng pelikulang pinapanood mo. Tipikal ang kwento ng bida, isang talunan na hindi magawang ipaglaban ang kanyang mga pangarap sa una, napilitang gumawa ng mga bagay na hindi nais para makaraos, nadapa, ngumawa ng maraming beses, nabugbog ngunit sa huli ay nagawa pa ring maabot ang pinapangarap mo ngayon na estado sa buhay. Yumaman, nakatuluyan ang seksing-seksing leading lady na hawig kay Sasha Grey at tinalo sa baril-barilan ang mga kontrabida. Talunan, buti na lang at sa piratebay mo ito dinownload.
Naaasar ka kasi nakikita mo ang sarili mo sa talunang bida. Iba ang direksyon ng pangarap mo sa direksyong tinatahak mo ngayon. Eh paano ba naman kasi, iba ang kursong gusto mo sa kursong kinukuha mo ngayon. Umaasa ka na sa dulo eh magkikita pa rin kayo pero alam mo na malabo na ‘yong mangyari. Ang miserable ng pakiramdam ano? Parang ansama-sama ng mundo….parang…
Magtigil ka nga. Meron rin namang iba na gaya mo. Binuklat mo ang newsletter issue ng Peys, at dito napatunayan mong hindi ka nag-iisa. Katunayan sa survey na ginawa ng Pacesetter 6 sa 10 BulSUan ang hindi kuntento sa kursong kinukuha niya, iba-ibang drama, iisang pelikula…
Unang Eksena: Daddy’s girl
Kilalanin si Almira, ‘di n’ya tunay na pangalan , mula sa College of Engineering. Sa simula pa lang ay alam na n’yang magiging komplikado ang kanyang buhay dito, subalit ipinagpatuloy pa rin n’ya ang kursong first choice n’ya lang sa papel.
“Hindi naman ako pinilit ng parents ko, choice ko rin kumbaga. Pangarap kasi ng Papa ko na maging engineer, kaso hindi naman natupad kasi mahirap talaga raw ang buhay noon. Tapos ‘yon, alam mo ‘yong feeling na gusto mong ipagpatuloy ‘yon para sa kanya,” madamdamin niyang pahayag.
Ngunit kagaya ng nararamdaman ng mga taong ayaw sa kurso nila, hindi rin nakaligtas si Almira sa mga pagsubok. Sa kaso ni Almira, ito ay ang pakikipagbuno sa lahat ng subject na may kinalaman sa mga numerong may ka- jamming ding mga letra at simbolo.
Sa kabuuan ng panahon ng kanyang pagaaral ay kung ilang tres at incomplete grade na naging tres na rin ang pinagdaanan n’ya. Ngunit ‘di natinag ang ating bida sa kabila ng pagaasam n’yang maging bahagi ng Kolehiyo ng Artes at Letras.
“Hobby ko ‘yon [pagsusulat] since high school, hindi na ‘yon nawala sa’kin. Pero naniniwala naman ako na p’wede ko pa ring ipagpatuloy ‘yong sarili kong pangarap kahit ‘di ko ku’nin ‘yong course na related do’n.”
Ngayon ay nasa ikatlong taon na sa kolehiyo si Almira at malapit na n’yang matupad ang pangarap n’ya para sa kaniyang ama, at kahit mahirap ay desidido s’yang ipagpatuloy na ang kurso.
Samantala, ipinaliwanag ng propesor sa Personality Psychology at Direktor ng Center for Bulacan Studies na si Dr. Agnes Crisostomo na tinatawag na cognitive dissonance ang nangyayari sa mga estudyanteng napipilitang kunin ang isang kurso.
“Sabi sa cognitive dissonance, p’wedeng you’re thinking of one thing but you’re doing of another thing’. May conflict sa iniisip at sa ginagawa mo. Internal conflict sa atin, nangyayari naman ‘yon ito sana ang gusto ko pero wala akong choice kaya ito ang gagawin ko,” paliwanag ni Dr. Crisostomo.
Pangalawang Eksena: Present pressure sa future breadwinner
Meron din namang hindi alam ang gusto talaga nilang gawin sa buhay kaya ang ending na-stuck sa hindi talaga nila gustong pag-aralan. Ganyan ang kwento ni Rowell, ‘di n’ya tunay na pangalan, isang fourth year Psychology student. Hanggang ngayon liban na lang sa pag-pursue niya ng pagbabanda, hindi pa rin niya alam ang gusto niyang gawin in the near future.
“Kapag tinatanong ako no’n, economics o engineering ‘yong sinasabi kong gusto ko [kunin sa college] pero hindi ko talaga hardcore na gusto 'yon,” na idinagdag pang napilitan din siyang magkolehiyo dahil sa gusto ng kaniyang mga magulang. Hinayaan din niyang mag-decide ang parents niya kung anong kurso ang kukunin niya.
“Tinanong ko sila kung ano ang course na gusto nila para sa’kin tapos sabi nila mag Business Administration (BA) daw ako. Fine nag-BSBA ako. Tapos dito lang ako nag-exam sa BulSU,” himutok ni Rowell.
Nang lumabas ang resulta ng exam, sa section J ng BSBA nakalista ang pangalan ni Rowell. Hindi n’ya ito nagustuhan dahil sa dami ng sections sa kursong ‘to. Doon niya nakita ang BS Psychology na may tatlong sections lang. Naging malakas ang hatak ng Psychology kaya hindi n’ya namalayan na kinakausap na n’ya si Dean Naguit upang makalipat dito. Pero kung inaakala mo na niyakap niya ng buong puso ang Psych, diyan ka nagkamali.
“May ilang disiplina sa psych na ‘di ko naman pinaniniwalaan. May mga certain explanations na hindi ko gusto tipong tama ba ‘yong explanation na 'yan? Talaga totoo ba ‘yang explanation na ‘yan? Tapos masyadong oriented sa science parang lahat ng bagay dapat hinahanapan ng paliwanag rather than just letting things as it is.”
Pinayagan naman siyang mag-shift ng mga magulang niya pero si Rowell talaga ang may ayaw. Hindi kasi talaga niya alam kung saan siya lilipat. Tapos, pressured pa siyang matapos ang course niya para sa kanyang mga magulang.
“Kailangan kasing ituloy. Anong mangyayari sa 'kin kung hindi ko itutuloy? At some point, pressure na rin kasi mula sa magulang ko, panganay kasi ako nakakahiya naman kung ako pa ang ‘di makakatapos,” pagtatapos ni Rowell.
Ayon kay Mr. Bobby Lopez, University Coordinator ng Center for Human Rights Education at propesor ng Sikolohiyang Filipino at Sikolohiya, sa kultura ng Pilipinas, malaki ang pagpapahalaga natin sa mga desisyon ng mga magulang.
“Sa Philippine culture if we're going to analyze things thoroughly we give high emphasis doon sa pag-respeto in whatever decisions made by parents and so that will explain kung bakit maraming mga estudyante, they are taking up courses which has nothing to do with their interest because they value their parents decision a lot,” salaysay ni Lopez.
Ikatlong Eksena: Sumpa ng scholarship
Ganito rin ang sitwasyon ni Reneely Danganan, isang graduating student sa kursong BS Biology. Hindi na rin n’ya nagawang magpalit ng kurso, pero ang dahilan naman ay dahil hindi kabilang sa listahan ng mga sinusuportahang kurso ng kanyang scholarship grant ang Tourism.
Kinailangan ni Reneelyn na kumuha ng scholarship upang matustusan ang kan’yang pagaaral dahil na rin sa problemang pampinansyal na kinahaharap ng pamilya n’ya noong mga panahong magkokolehiyo na s’ya.
“Sakto naman na dumating ‘yong balita na pumasa ‘ko sa DOST (Department of Science and Technology) kaya lang very limited lang kasi ‘yong mga courses na puwedeng kuhanin. Kasama ‘yong mga kondisyon, tinanggap ko ‘yong scholarship sa kagustuhan kong ‘wag huminto sa pag-aaral,” kwento ni Renee.
Ayon kay Dr. Crisostomo, malaking factor din ang economical status ng isang mag-aaral sa pagpili ng kurso niya. Gaya ng kaso ni Renee na kinailangang kumuha ng science related course para mapanatili ang kanyang scholarship.
Sa apat na taon niyang pag-aaral ni minsan ay hindi s’ya nagkaroon ng failing grade kaya naman tuloy-tuloy ang financial aid na natatanggap niya. Pero ayon sa kanya, mas magiging maganda ang mga grado niya kapag ang gusto niyang course ang kinuha niya.
“Marami akong natutunan na very interesting pero may mga bagay kasi siguro talaga na kahit anong pilit ang gawin mo ‘di mo kayang mahalin dahil iba ang laman ng puso mo,” ang heavy na pahayag ni Renee, na idinagdag pang, “Mas maganda kung susundin mo kung ano talaga ‘yong totoong gusto n’yo pero kung katulad ko kayo, gawin n’yo na ang lahat ng makakaya n’yo, mag-enjoy at patunayan sa sarili n’yo na tama ‘yong desisyon n’yong kunin ‘yang course n’yo ngayon nang wala kayong pagsisihan sa hinaharap.”
Huling Eksena: Nasa diskarte ‘yan
Balik tayo sa talunang bida. Gawa-gawa man oh ‘di kaya’y hango sa totoong buhay, hindi mo maitatanggi na may kaunting matututunan din naman sa kanya. Sa kasalukuya’y nasa punto ka na hindi mo magawang ipaglaban ang gusto mong gawin sa buhay, napipilitan kang gumawa ng mga bagay na hindi mo nais para makaraos, nadadapa ka madalas dahil mahirap pilitin ang sarili na mahalin ang isang bagay na hindi mo gusto, ngumangawa ka ng maraming beses at naiisipan nang sumuko at nabubugbog ng mga requirements na hindi mo alam kung paano ang gagawin.
Wala naman kasing kursong madali, wala rin namang mahirap. Binigyan ang tao ng kani-kaniyang espesyalidad at ang dapat na lamang gawin ay alamin ng bawat isa kung ano nga ba ang kagalingan at kapasidad na ipinagkaloob sa’yo ng sa gayon ay hindi na mabalahaw sa lubak ng daang tinatahak mo, bagkus ay sasakay ka sa biyahe patungo sa katahimikan ng kalooban at kakuntentuhan.
Iyong walang kulang at hindi pagsisissihan, ‘yong walang pahabol na hiling.